Chapter 1 - Tragedy

453 23 0
                                    

Copyright © 2014 by bearcuddles stories
ALL RIGHTS RESERVED

------------------------

*boogsh* *boogsh* *boogsh*

"Holdap to!  Labas mo na lahat ng pera mo." rinig kong sabi ng holdapper sa akin pero hindi ako pumayag.

"Ahh! Ayaw mo pala ha! *boogsh* " sabi niya sa akin sabay labas ng kanyang malakas na suntok. Nagpupumiglas ako pero hindi ko kinaya hanggang sa tuluyan na akong binugbog.

Nagising na lang akong nakahandusay sa sahig. 

Bumangon ako pilit na binabalik ang lakas ko pero hindi ko talaga kinaya.

Dahan-dahan kong itinayo ang sarili ko at naglakad pero mas nararamdaman ko pa rin yung sakit ng katawan ko.

Hindi ko alam kung bakit pero tinatagan ko yung loob ko.

Nilibot ko ang siyudad kahit na sobrang nahihirapan na ako.

Hindi ko alam kung nasaan ako at kung anong lugar ito.

Inikot ko yung paningin ko hanggang sa napadpad ako sa isang kalye. Isang kalyeng makikita mo talaga ang kahirapan at kawalan ng pangangailangan sa buhay.

Naglalakad ako hanggang sa napadpad naman ako sa isang bahay.

Hindi naman siya gaanong maliit. Katamtaman lang ito pero maiinag mo pa rin na naghihirap ang mga taong nakatira rito.

Hinang-hina na ako kaya napagdesisyunan kong kumatok at humingi ng tulong.

*tok* *tok* *tok*

"Sabi ng wala pa eh." rinig kong sabi ng isang babae.

Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nung nakita niya ako. 

O.O

Bigla akong nawalan ng malay at napahiga sa sahig.

----------------------------

Author's Note:

Short story lang po ito. Siguro mga 20 chapters or less.

At Third story ko na po ito so please support. Meron po akong story entitled He's what, Zayn Malik Fanfiction po yun. So kung fan na fan kayo ni Zayn, please give it a shot ;)

At kapag nag-uupdate ako, talagang maikli lang po kaya pagpasensyaan. Pahahabain ko pa sa susunod na chapters. 

Vote,comment and follow me! 

-bearcuddles

Love for a stranger (KathNiel Fanfiction) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon