Chapter 4 - Kakulitan

326 16 1
                                    

Daniel's POV

Nagising ako ng dahil sa init ng araw at sa pakiramdam ko. Parang nanghihina pa rin ako simula nung araw na nabugbog ako. Aisssh Ewan.

Napag-isip-isipan ko na lang na bumangon at maghilamos. Nagtungo ako sa sa cr nila. Teka lang, san ba yung cr nila dito?

*tingin sa kaliwa* *tingin sa kanan*

Ayyy, saan na ba talaga yun oh?

"Yel, gising ka na pala! Eto oh naghanda ako ng pang-almusal mo. Halika rito. Kumain ka muna nang magkalaman yang sikmura mo. Sigurado akong nanghihina ka pa dahil sa mga sugat mo. Pero teka lang, bakit ka nga pala nabugbog? I mean anong nangyari sayo?" pagtanong ni Kath sa akin.

"Uhhm. Sakin? wala! Walang nangyari sa kin." pagdadahilan ko atsaka ayaw ko na siyang madamay pa sa kalagimang nangyari nung gabing yon.

"Ako ba'y pinaglololoko mo? Ikaw? Walang nangyari sa yo? Oh come on, Yel! Eh ikaw nga tong kumatok sa munting bahay namin eh tapos biglaan ka na lang na nahimatay at napahiga sa sahig.. Yun ba ang walang nangyari? Sabihin mo na kasi. Wala namang mawawala sayo kung sasabihin mo." pagpipilit ni Kath sakin.

Tingnan mo to! Ba't ba ang curious nya? If I know gusto ako nito eh. Ahahah joke lang baka sabihin niyo na sobrang hangin ko. 

"Oh si-sige na nga! Ganito kasi yung nangyari.."

F L A S H B A C K

*boogsh* *boogsh* *boogsh*

"Holdap to!  Labas mo na lahat ng pera mo." rinig kong sabi ng holdapper sa akin pero hindi ako pumayag.

"Ahh! Ayaw mo pala ha! *boogsh* " sabi niya sa akin sabay labas ng kanyang malakas na suntok. Nagpupumiglas ako pero hindi ko kinaya hanggang sa tuluyan na akong binugbog.

Nagising na lang akong nakahandusay sa sahig. 

Bumangon ako pilit na binabalik ang lakas ko pero hindi ko talaga kinaya.

Dahan-dahan kong itinayo ang sarili ko at naglakad pero mas nararamdaman ko pa rin yung sakit ng katawan ko.

Hindi ko alam kung bakit pero tinatagan ko yung loob ko.

Nilibot ko ang siyudad kahit na sobrang nahihirapan na ako.

Hindi ko alam kung nasaan ako at kung anong lugar ito.

Inikot ko yung paningin ko hanggang sa napadpad ako sa isang kalye. Isang kalyeng makikita mo talaga ang kahirapan at kawalan ng pangangailangan sa buhay.

Naglalakad ako hanggang sa napadpad naman ako sa isang bahay.

Hindi naman siya gaanong maliit. Katamtaman lang ito pero maiinag mo pa rin na naghihirap ang mga taong nakatira rito.

Hinang-hina na ako kaya napagdesisyunan kong kumatok at humingi ng tulong.

*tok* *tok* *tok*

"Sabi ng wala pa eh." rinig kong sabi ng isang babae.

Binuksan niya ang pinto at nagulat siya nung nakita niya ako. 

O.O

Bigla akong nawalan ng malay at napahiga sa sahig.

 E N D   O F   F L A S H B A C K

"Yan ang lahat nang nangyari. Baka sapat na yan ah!" pagkukwento ko sa kanya kaya lang may iba akong napansin sa kanya eh. Oh, tingnan mo nga naman oh! Si Kath nakatameme? Ganito ba talaga to kapag kinukwentuhan at kapag di siya makapaniwala?

"Huuuuuy! Kaaaaaaath!" pagtatawag ko sa kanya ngunit nakatameme pa rin eh.

"Uyyyyy! Kath" pagsigaw ko kasabay ng pagsasnap ko ng fingers ko sa harap ng mukha nya at to my luck, bumalik na rin siya sa dati.

"Uhhm! Hehehe. Sorry ah. Gan'to talaga ako kapag nabibigla sa mga bagay bagay. Pagpasenshaan mo na lang ako." pagwiwika ni Kath sa akin.

"Aaaah. Okay lang. Pero Ahahahahahaahaha! Epic face talaga Kath eh. Nakakatawa yung mukha. You should have seen your face. Yung mukha mong kulang na lang tumulo yung laway sa pagkabigla mo sa kwento ko eh. Ahahahahahahaha! Di ko talaga makalimutan yung mukha mo. Shet lang. Ahahahahahaha!' sabi ko kasabay ng mga di mabilang-bilang na tawa.

"Ahhhh, ganun pala ha? Gusto mo talaga tumawa ha! Etong sayo." pagsabi niya tapos bigla niya akong kiniliti sa leeg.

Shet.

Oh my god!

Yan yung part na kulang na lang ay mamatay ako kapag kinikiliti yan.

"Ahahahahahaha! Kath! Tama na! Ahahahahaha" Bigla akong tumakbo kaya lang ibis na tatakbo ako para matakasan siya ay nagmistulang habulan ang peg namin. 

Ano ba to? Para kaming bata.

"Hahahahaha! Hahahahahah! Tama na kasi, Kath!" sabi ko sa kanya.

Kiniliti niya ako ang kiniliti hanggang sa napahiga ako sa sahig at guess what?

She's on top of me. Kaka-awkward naman

tong posisyon namin.

Nakatitig pa rin ang mga mata namin na parang nakadikit na ang mga titig namin sa isa't-isa!

"Ohh shet ka naman, yel!" sabi niya sabay tayo na parang walang nangyari.

"Kasalanan mo naman yun eh." sabi ko sa kanya.

"Anong kasalanan ko? Ikaw nga tong patawa-tawa diyan ng malakas eh tapos sasa---" nag-eexplain si Kath ng biglang putulin ng kapatid nyang cute at bubwit.

"Ehem, ehem! Anong kaganapan to? May hindi ba akong nalalaman sa inyong dalawa." pagwika ng kapatid niyang makulit.

Hay nako naman talaga oh!

----------------------------

Author's Note:

It took weeks since I last update my story so I give you this. Pagpasenshaan niyo na , nawalang akong ng fresh and new ideas eh pero kahit na, pinakilig ko naman kayo nang konti diba? Ahahhaha joke. Sige, yan muna for now ;) xx

I will do appreciate if you'll vote,comment and follow me ;)

Lovelots,

bearcuddles

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love for a stranger (KathNiel Fanfiction) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon