Chapter 2 - Sino to?

386 22 3
                                    

Copyright © 2014 by bearcuddles stories

ALL RIGHTS RESERVED

------------------------

Kathryn's POV

Haaaaaaay! Ang sarap ng tulog ko.

Gumising ako at tinanggal ang mga muta sa mga mata ko. Ahahaha.

Kung tatanungin niyo ako kung ano mga gagawin ko, ito lang naman.

WHAT TO DO:

-Maliligo

-Magsisipilyo

-Maglalaba

-Magluluto ng ulam

-Magsasaing

-Maghuhugas ng mga pinggan

-Mag-aalaga ng kapatid

-Magtatrabaho

Yan lang naman ang mga gagawin ko. Ang ayos ng buhay ko diba?

At ang masaklap pa dito ay uulit-ulitin ko yun araw-araw.

Sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas, kayod lang ako ng kayod. Oh anong akala niyo? Hindi yan kanta Hahahaha.

NAKAKALOKONG BUHAY NAMAN ITO OH!

At alam mo kung anong pinakamasaklap? Yung may magulang ka pero parang wala naman.

Mga magulang ko? Ayun! Nagtatrabaho sa ibang bansa, wala man lang communication, walang texts at calls. Wala man lang silang pakialam sa amin.

Nagpapadala naman sila pero yung nga lang kulang pa sa pang-araw-araw naming gastusin.

Ni hindi nga nila iniisip na may mga anak sila ritong naghihirap at nagsasakripisyo para lang mabuhay.

Nagpapakasaya sila doon samantalang nagpapakahirap kami rito.

Ewan ko ba sa kanila basta ako ang nagbubuhay sa sarili't kapatid ko.

Instant nanay at tatay ako rito sa bahay. Siya nga pala, nagtatrabaho ako sa isang mall bilang isang cashier kapag gabi. 

Mga 6:30 pm-9:00 pm!

Yung kapatid ko naman? Pinapabantay ko muna sa matalik kong kaibigan tuwing duty ko.

Kawawa nga yun eh!

Hinihintay niya munang dumating ako galing trabaho bago siya matutulog dahil hindi raw siya makatulog nang wala si ate. Aweeee, sweet nya!

Sa kabila ng pagkukuwento ko, may kumatok. Wait lang ha.

*tok* *tok* *tok*

"Sino yan?" sigaw ko sabay bukas ng pinto.

Nagulat ako sa nakita ko.

O.O

Ke-aga-aga pagmumukha agad ng babaeng to ang nakita ko. Kabadtrip naman oh!

"Ikaw bata ka! Kelan mo balak bayaran ang mga utang mo ha! Nasestress ako sayong bata ka! Nasisira beauty ko sayo! Tse! " pagdadaldal ni Aling Feli habang may hawak hawak pa sa ulo effect.

"Pasensya na po Aling Feli. Kulang pa po yung pera ko eh. Sensha na po talaga. Siguro po within this month po." sabi ko ng may paawa effect. Sana umubra yon.

Fingers crossed!

"Ay nako! Mga bata talaga ngayon oh! Oh si-sige, sige na nga! Paglumampas pa yan ng isang buwan, ewan ko na lang sayo. Sige, bye na!" wika ni Aling Feli.

"Sige po, bye!" tugon ko kay Aling Feli.

Yung matandang yun talaga oh! Nakakastress! 

Buti umubra yung paawa effect ko.

*tok* *tok* *tok*

"Sus, yung matandang yon talaga oh!" sa isip-isip ko.

"Sabi ng wala pa eh." Nagulat ako sa nakita ko.

O.O

Isang lalaki......

at duguan ito....

Bigla siyang nawalan ng malay at napahiga sa sahig.

-----------------

Pagpasenshaan! Ito lang ang kinaya ng powers ko eh.

Inaantok na po ako Hehe! Bukas ko na lang po iuupdate yung kasunod nito.

VOTE,COMMENT and FOLLOW ME!

Lovelots,

-bearcuddles

Love for a stranger (KathNiel Fanfiction) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon