The Book of Love Story: Saglit (Part3)

5 0 0
                                    

The Book of Love Story:
"Saglit"
(A short story)

Part 3

Hindi na kami natuloy magkita. Akala ko pagkakataon na namin ito pero hindi pala.
Isang mensahe niya na hindi ko malimutan.. "Sorry. Hindi pa ako ready makita ka.." naisip ko, pangit ba ako? Mukha ba akong mang kukulam kung bakit ba na ayaw niya magkita kami. Grabe noh? Pero hinayaan ko nalang din. Hindi ko naman siya mapipilit. Mas maigi nalang na hayaan siya.

Sa loob ng mahigit dalawang linggong nakilala ka sa pamamagitan ng social media naging parte ka na ng buhay ko. Kahit sa sandaling naging masaya ako. Binigyan mo ng oras kahit na halos mapupuyat ka na.
Salamat sa saglit na pinaramdam mo saakin na naging special ako sayo.
Salamat sa saglit na natawag mo akong "YAM.."

Ngayon namamaalam na ako sayo para yung saglit kong naramdaman sayo na napamahal ako ay hindi lubos na masaktan at umasa sa wala..
Maraming salamat.
Hanggang sa susunod nating kabanata..

Nagmamahal sayo
kahit sa isang SAGLIT...

WAKAS!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Book of Love Story: "Saglit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon