The Book of Love Story: Saglit

4 0 0
                                    

The Book of Love Story:
"Saglit"
(Short Story)

Written by: Mjrdelim_16

Part 1

Bandang alas onse medya na ng gabi.
Hindi ako makatulog. Naisipan kong buksan ang aking fb. Nag search sa isang page na nag babakasakali na makahanap ng Forever. Habang tumitingin sa mga post. May isa akong nakita. Isang lalaking maamo ang mukha, tila akala mo inosente. Dahil sa kanyang anyong naka agaw pansin sa aking paningin. Sinubukan kong iview ang kanyang profile,
Nangangalang  Mr. Black Zaider. (Hindi tunay na pangalan) Tinitignan ko ang kanyang profile. Hindi na ako nag dalawang isip na ichat siya. Nag simula sa Hi and Hello. Hanggang sa naging magkaibigan na kami sa Facebook. Mabait siya kausap. May pagka prangka nga lang may mga word na duma direct to the point siya pero naiintindihan ko.. Nalaman ko mas bata pa pala siya saakin. Pero ok lang. Wala naman pinipiling edad pagdating sa pakikipag kaibigan. Natawagan akong "ATE o MA'AM" ng mas bata saakin.  Nakakatuwa isipin habang nagkaka kuwentuhan, may pagka pilosopo at kung minsan nagiging seryoso. May pagka isip bata rin dahil sa pabago bagong sinasabi. Dahil mas matanda ako sa kanya mas maigi nalang na intindihin siya. Sunud- sunod na araw na kami ay nagkaka chat bilang magkaibigan lang naman walang malisya dahil hindi pa naman kami nag kikita.
Nag babalak na magkita pero hindi sa ngayon. Isa siyang Studyante at ako naman ay isang Matandang Dalaga kung tawagin dahil sa aking istilo na parang Maria Clara. May itsura naman ako pero hindi ligawin. Ewan ko nga ba kung bakit may sumpa akong ganito. Mula nung iniwan ako ng dati kong nobyo hindi na ako nagmahal muli. Sa takot na baka masaktan muli sa pangalawang pagkakataon.
Naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Hanggang sa nagkaka hulugan na ng loob.. Masaya ako pag nakakausap siya. Ang kalokohan na minsan eh wala na sa tamang pag iisip pero eto ay kathang isip lamang, malabong mangyayari dahil hindi pa naman kami nag kikita at nagkakakilalanan sa personal.
Naging magaan loob ko sa kanya hanggang sa nag hihintay sa kanya na mag message saakin. Nalulungkot ako kapag hindi siya nakakausap. Ang sarap sa pakiramdam na may umaalala sayo na kamusta ka, kumain ka na ba at kung anu-ano pa. Nagkaka kwentuhan tungkol sa mga buhay buhay. Nung nalaman ko na ang taas ng pangarap niya para sa future niya at sa future ng magiging pamilya niya balang araw. Gusto niya maging isang DOCTOR. Oo Doctor talaga. At kasalukuyan siyang nag aaral. Tatlong taon nalang at makakapag tapos na rin siya..Nakaka inspired nga naman at malaki ang respeto niya sa mas nakakatanda sa kanya..
Isang araw, nagtapat siya na may nararamdaman siya para saakin pero alam ko na ito ay wala pang kasiguraduhan dahil hindi pa kami nagkikita at nagkakausap ng personal.
mga sinasabi niya na parang ako yung tipong taong gusto niya at nangangarap na magkaroon ng masayang pamilya.

Isang Linggo lumipas.

Nagkaka chat kami. Eto na yung unang time na mag videocall kami. Nung una nagkakahiyaan. Nung nakikita ko siya kahit sa camera palang, gumagaan na agad na loob ko sa kanya. Yung boses niya yung tawa niya. At yung pagiging palatawa niya. Ang saya niya kausap. Ilang gabi na magkakasunod na kami ay nagkakachat. Noong unang Tawag ko sa kanya "YAM". Nagtaka siya kung bakit "YAM" kahulugan nun ay "YOU ARE MINE."
mula sa araw na natawagan ko siya ng YAM.

The Book of Love Story: "Saglit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon