The Book of Love Story: Saglit Part (2)

3 0 0
                                    

The Book of Love Story:
"Saglit"
(A short story)

Part 2

Masaya kami nag kakausap. Sa umaga busy. Sa gabi, kausap niya ako. Oo as in. Unti unti talaga nahuhulog na loob ko sa kanya. Nakwento na niya tungkol sa family background niya. Tulad ko rin, strict ang parents. Akala ko nga may anak siya kasi nakikita ko sa mga pictures niya may kasama siyang batang babae. Maganda at maputi parang anak ng foreigner. Natanong ko kung sino yung bata na yun, pamangkin pala niya. Nag buntong hininga ako. Matagal kami nag ka kwentuhan kami tungkol sa mga buhay buhay. Naging magkasundo kami sa isang bagay. Sa sunod sunod na araw na kami ay nag kakachat, nag lakas loob kaming dalawa na magkita on cam. Kahit kabado ako kasi makikita na niya ako. Nahihiya ako. Ayan na, nagkita na kami nung nakita ko siya, Gwapo pala siya kumpara sa pictures na nakapost sa album niya. Oo gwapo talaga. Makapal ang buhok. May pagka singkit at palangiti. Nahiya ako ng bahagya at parang natameme. Ang ganda pala ng boses niya. Mahilig siya mag biro. Maya maya naging serious. Sabi niya pag nakatapos siya at naayos na niya ang buhay niya gusto na niya magkaroon ng sariling pamilya. Walong taon pa siya mag hihintay. Dahil tatapusin niya ang pagiging medisina niya. Natuwa ako sa mga sinasabi niya. Nakaka inspired naman na mas gusto niya mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya pag ganap na siyang isang espesyalistang doctor. Siya ang mag proprovide ng lahat para sa magandang kinabukasan ng mga magiging anak nila. Natuwa ako nung sinabi niya ang gusto niyang ipangalan sa kanyang anak talagang sinunod sa isang german physicist na si "Roentgen"..
Ang taas ng pangarap niya para sa magiging anak niya dahil gusto niya ito maging isang doctor na tulad niya o scientist.
Madalas na kami nag kakausap. Mas lalong naging malapit kami sa isa't isa. Isang linggo lumipas, nag babalak na kami magkita ng personal. Wala pang eksaktong petsa kung kailan ito dahil inaayos pa niya ang schedule niya.
Nasabi ko nalang na darating din ang tamang panahon na kami ay magkikita.
Nagkakachat kami kahit na inaabot na ng umaga.. Magkaibigan kami pero mas higit na sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko lang pinahahalata dahil ayoko mapangunahan siya at baka masira ang nasimulan namin bilang magkaibigan.. Dahil ang sabi niya saakin noon hindi siya mag mamahal muli pagkalipas ng anim na taon na naghiwalay sila ng babaeng minahal niya ng totoo hangga't hindi pa niya natutupad ang kanyang mga pangarap..

Isang araw, nag pasya siya na magkita kami sa unangvpagkakataon. Hindi ako makapaniwala. Para bang ako'y biglang bigla. Inihanda ko na sarili ko na magkita kami kinabukasan. Sa unang pagkikita namin ay gusto lang niya na maging mas lalo pa kami magkakakilala sa isa't isa.
kahit masama pakiramdam niya nangako pa rin siya na pupuntahan niya ako. umulan man o umaraw. Sa isang bookstore ang aming tagpuan.
kinabukasan, maaga ako nagising sinilip ko ang aking cellphone at tignan kung may message na siya saakin. subalit wala pa rin dalawang oras ako nag hintay. Maya't maya tumunog cellphone ko may message na mula sa kanya. Nalungkot ako nung nabasa ko na mensahe niya hindinkami matutuloy magkita kadahilanan na siya ay natuluyan ng nagkasakit. Kahit nadismaya ako pinilit ko pa rin maging okay lang sa mga sagot ko sa kanya. Siguro hindi pa ito yung tamang panahon na mas lalo pa namin makilala ang isa't isa. May darating pa. Pag naging okay na ang lahat.

The Book of Love Story: "Saglit"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon