Chapter VI:
Halos mag-iisang oras nang nakatayo at nakatitig sa pintuan ng bahay nina Felicity si Skye. Wala itong kibo at tahimik lang. Bigla tuloy bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa kanila ni Felicity five years ago. Ang ginawa niyang pagsisinungaling at panloloko sa babaeng kalaunan ay natutunan niyang mahalin, hanggang ngayon ay labis pa rin ang pagsisisi niya sa kanyang mga ginawa. Siguro kung hindi niya sinunod ang planong paibigin ito at saktan ay hindi sana ganito ang kinahinatnan ng mga bagay. Kung hindi kaya siya bumalik sa Pilipinas at nakilala si Felicity, ano kayang magiging takbo ng buhay niya ngayon? Siguro ay gaya pa rin ng dati, iyong tipo na walang pakialam sa mundo at ang tanging gusto lang ay magsaya, mambabae, at magwaldas ng kayamanan ng mga Chua.
Thinking on the brighter side, malaki ang naitulong ni Felicity sa kanya. Dahil sa kanya ay sa wakas natutunan niyang magbago. Dahil kay Felicity ay natuto siyang magmahal at magpahalaga.
Napuno ng kalungkutan ang katauhan ni Skye nang muling gumunita sa kanyang isip ang unang araw na nagkita sila ni Felicity. Hindi niya makakalimutan ang tagpong iyon. Sumakay siya ng bus at nakita ang isang pamilyar na babaeng nakaupo sa may likuran.
"Si Felicity Natividad, gusto kong paibigin mo siya at saktan."
"Ano?"
"Saktan mo siya nang sobra hanggang sa maisip niyang umalis na lang ng T University."
"Siya nga 'yon, ang babae sa picture," sa isip ni Skye. Hindi na niya sinayang ang pagkakataon. Dumiretso siya at naupo sa tabi nito. Nahalata pa niya ang pagnanakaw ng mga tingin ni Felicity sa kanya. Base sa nakikita niya, mukhang hindi siya mahihirapan sa kanilang plano.
Naunang bumaba si Felicity, napansin pa ni Skye na sa tapat ng village nina Matthew ito bumaba. Siya naman ay bumaba sa tapat ng isang music store para pick up-in ang pinaayos niyang gitara pagkatapos n'on ay dumiretso na siya ng T University.
Maayos naman ang naging unang araw niya sa eskwelahan. Mabilis siyang naka-cope up sa paligid. Katunay ay marami na agad ang mga babaeng umaaligid sa kanya lalo na nang malaman nilang magkapatid sila ni Matthew. Hindi niya nga rin inaasahan na iisa lang ang magiging section nila.
Dahil sa pagkairita sa mga babaeng panay ang sunod sa kanya, pinili niyang magsarili at kumain sa may likod ng Building C. Nakita niya ang tila mini-park na lugar na iyon noong nag-enroll siya sa unibersidad. Matapos makakain nang mapayapa, umalis na siya roon dala ang kanyang gitara saka nilibot ang Building C. Naglalakad siya sa hallway nang mahagip ng kanyang paningin ang isang pamilyar na babae- si Felicity. Naglalakad ito patungo sa direksyon niya, mabuti na lang at hindi siya nito napansin. Mukhang naglilibot lang ang dalaga. Mabilis na nag-iba ng daan si Skye hanggang sa mapadaan siya sa music room. Doon, natigilab siya at nakaisip ng isang magandang plano. Pumasok siya sa loob, swerte nga at hindi iyon nila-lock kaya kahit sino pwede iyong puntahan anumang oras. Kumuha siya ng isang mono block at pumwesto sa gitna ng silid. Inilabas niya ang dala niyang gitara mula sa lalagyan nito at nagsimulang tumugtog ng isang love song.
"I'm really sorry, Felicity. I'm sorry for everything."
"Skye?" Agad na napalingon si Skye sa taong tumawag ng kanyang pangalan.
// \\//\\//\\//\\//\\//\\//\\//\\//\\//\\//\\
"Gusto kita, Felicity. Felicity, gusto kita...matagal na." Ilang salita lamang iyon ngunit hindi mawari ni James kung bakit hindi niya iyon mabigkas sa harapan ni Felicity.
"Ano ba 'yon, Malton?" tanong ng dalaga.
"Ah...ano...itatanong ko lang sana kung..," saglit na napaisip ng idadahilan ang binata, "Kasi...sana kahit na nalaman mo na ang totoo ay pumasok ka pa rin sa Grand Hotel. Sana makita pa rin kita sa hotel bukas para sa training mo."
BINABASA MO ANG
She's Ugly 2
Teen Fiction[REVISED CHAPTER II POSTED!] Sapat na ba ang limang taon para magpatawad at makalimot? Ngunit paano mo malilimutan ang isang taong kay tagal mo nang hinihintay? Tama ba na ituon na lang ang atensyon sa iba para lang makalimot? Filipino | Romance |...