Chapter VIII
"Alagaan mo si Felicity habang wala ako."
Paulit-ulit na naaalala ni Skye ang munting pabor na hiningi sa kanya ng kapatid. Halos isang linggo na rin ang lumipas mula nang mag-usap sila. Halos tumigil ang mundo ni Skye nang bigla na lamang itong sumulpot sa kanyang opisina isang araw. What surprised him the most is when Matthew called him 'kuya'. Mula kasi nang magkaroon ng gap sa pagitan nila ay hindi na siya tinatawag ng gano'n ng kapatid, kaya nang marinig niya muli ang salitang iyon galing kay Matthew ay parang lumukso sa tuwa ang kanyang puso. Bukod pa roon ay nararamdaman niyang unti-unti nang lumalambot ang puso sa kanya ng nakababatang kapatid. Alam niyang unti-unti na siya nitong napapatawad. Dahil doon ay para siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib.
"Kailangan ka ni Felicity. Hanggang ngayon mahal ka pa rin niya, wala pa ring nagbabago sa damdamin niya para sa'yo," wika naman ni Skye.
"Pareho lang kami, Kuya," malungkot na saad naman ni Matthew. "Pero hindi pa kami pwedeng magkita."
"Itigil mo na lang ang paglayo sa kanya, Matthew," pakiusap pa ni Skye sa kapatid, "Kalimutan mo na lang 'yon. Huwag mo nang ungkatin ang nakaraan, hindi na tayo kasali ro'n. Balikan mo na si Felicity, 'wag mo nang pahirapan ang mga sarili niyo."
"Hindi ko kaya," may diing pahayag ni Matthew. Ang mga mata ni Matthew na kanina'y puno ng lumbay ay napalitan ngayon ng poot, "Kung kayo ni Mama kaya niyong kalimutan na lang ang lahat, ako, hindi ko iyon masisikmura. Malaki ang utang natin kina Felicity. Mahal ko siya kaya ginagawa ko lang ang tama."
"Sir Skye. S-sir?" Saka lamang bumalik sa huwisyo si Skye nang mapagtanto niyang kanina pa pala siya tinatawag ng assistant. Binalingan niya ito ng tingin. "Tumawag po kasi ang isa nating client, sir. May isang event daw po silang inoorganize at next week na ang schedule. Kailangan daw po nila ng photographer."
Sumandal si Skye sa swivel chair at ni-relax ang kanyang sarili. "Sige, tell them to send me the whole details through email."
"Yes, sir," maagap na sagot ni Vanilla.
// ♥ // ♥ // ♥ // ♥ // ♥ // ♥ // ♥ //
Kanina pa hindi makapag-concentrate si James sa kasalukuyan nilang meeting dahil sa panakaw niyang pagsulyap kay Felicity. Nasa gilid lang ito, sa may tabi ng pintuan, at tahimik na nanonood at nakikinig sa presentation. Hindi na nga niya alam kung ano na ang naging flow ng meeting dahil nakatuon ang buong atensyon niya kay Felicity.
Isang linggo na siyang ganoon dahil sa dalaga. Isang linggo na siyang parating nakatulala at biglang mapapangiti nang wala namang dahilan. May mga pagkakataon pang ipinapatawag niya si Felicity para lang makita ito.
"Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ni Felicity.
Matagal bago nakapagsalita si James. Abala kasi siya sa pagtitig sa dalaga. "Ah...ano..." Inilayo niya ang tingin niya kay Felicity upang makapag-isip siya nang maayos. Wala naman talagang partikular na dahilan kung bakit niya ipinatawag ang sekretarya, gusto niya lang itong makita't kamustahin. "P-pwede bang ipagtimpla mo 'ko ng kape?"
Tumango naman si Felicity. "O sige po, sir."
Sinundan ng tingin ni James ang dalaga hanggang makalabas na ito ng kanyang opisina. Kung pwede lamang talaga ay ipapalipat niya ang desk ni Felicity sa loob ng kanyang opisina upang hindi na ito mahirapan sa halos oras-oras na pagtawag niya rito at para na rin minu-minuto niya itong natatanaw. Nawi-wirduhan na nga rin siya minsan sa kanyang sarili. Mas lalo yatang lumakas ang tama niya kay Felicity. Walang oras na lumilipas nang hindi ito sumasagi sa isip niya, pati hanggang bago siya matulog ay naaalala niya ang mga ngiti at tawa ng dalaga.
BINABASA MO ANG
She's Ugly 2
Teen Fiction[REVISED CHAPTER II POSTED!] Sapat na ba ang limang taon para magpatawad at makalimot? Ngunit paano mo malilimutan ang isang taong kay tagal mo nang hinihintay? Tama ba na ituon na lang ang atensyon sa iba para lang makalimot? Filipino | Romance |...