CHAPTER 12: Home
"Thank you, Ash." Tinapik ni Matthew ang balikat ng kaibigan habang sabay silang naglalakad palabas ng departure area.
"No problem. Isa pa, namiss ko ang Pinas- ang ambience, ang paligid, everything. At least, I can now relax for a while," nakangiting tugon naman ni Ashton.
"Sir Matthew!" Parehong napatingin ang dalawa sa direksyon ng tumawag. Agad naman itong lumapit sa kanila at kinuha ang mga dala nilang maleta. "Iniutos po sa'kin ni Ma'am Anastacia na sunduin kayo ni Sir Ashton saka ihatid sa hotel na tutuluyan niyo."
"Hotel?" sabat naman ni Ashton sabay tingin sa matalik na kaibigan. "Hindi ka tutuloy sa inyo?"
"No," sagot naman ni Matthew, "Hindi pa alam ni Waffles 'yong tungkol sa party."
"At wala kang balak ipaalam sa kanya," dugtong naman ni Ashton.
"Sa ngayon, wala."
Napabuntonghininga na lang si Ashton. Ano pa nga ba'ng magagawa niya kung mukhang buo na ang desisyon ng kaibigan niya? Kahit pa ipinaalam na niya rito ang pagtutol niya sa engagement, ito naman ang nagpupumilit. Pero naisip niya, kaya nga siya narito sa Pilipinas dahil baka may magawa pa siyang paraan para mabago ang desisyon nito. Hangga't hindi pa ito nakakasal, pwede pa itong umatras. Gagawin niya ang makakaya niya para tuluyang gisingin ang kaibigan niya sa kahibangan nito. Kung paano niya gagawin iyon ay nakasalaylay na lang marahil sa mga mangyayari.
"Sa'ng hotel?" tanong ni Ashton.
"Sumunod na lang po kayo sa'kin," tugon ng sumundo sa kanila saka nanguna palabas ng airport at diretso sa dala nitong sasakyan.
Habang nasa loob ng sasakyan, tahimik lang na nagmamasid sa labas ng bintana ang dalawa.
"'Di pa rin ako makapaniwala na nandito na ulit ako. Matagal din akong nawala," namamanghang sabi ni Ashton saka napasandal.
"You should visit here often. Wala naman masyadong nagbago," komento naman ni Matthew.
"I wonder what Ethan's been up to. Masyado kasi siyang busy sa current project niya kaya hindi siya nakasama ngayon."
"I invited him pero tumanggi siya,” sabi ni Matthew.
“I’m not surprised,” nakangising saad naman ni Ashton.
Hindi na lang pinansin ni Matthew ang huling sinabi ng kaibigan. Ibinalik na lang niya ang atensyon sa labas ng bintana ng kotse at nanatiling tahimik.
// \\ // \\ // \\ // \\ // \\ // \\ // \\ // \\ // \\ // \\ // \\ // \\ // \\
“Nakuha mo na ba, Hugo?”
“Yes, sir. First thing in the morning,” alertong sagot naman nito saka inabot ang isang malaking paperbag kay James. “Ewan ko na lang kung hindi pa niya magustuhan ‘yan.”
“Salamat, Hugo,” nakangiting saad ni James, “By the way, do I have any meetings this afternoon?”
Napaisip ang assistant. “I’m afraid you don’t have any meetings today, sir. You’re free the whole day.”
BINABASA MO ANG
She's Ugly 2
Jugendliteratur[REVISED CHAPTER II POSTED!] Sapat na ba ang limang taon para magpatawad at makalimot? Ngunit paano mo malilimutan ang isang taong kay tagal mo nang hinihintay? Tama ba na ituon na lang ang atensyon sa iba para lang makalimot? Filipino | Romance |...