Chapter 13.2

74 2 0
                                    

"Hoy trey bakit tayo andito?" ngumiti nanaman siya. aba't bastos to hindi sumasagot kanina pa.. -_-"

"namiss ko na kasi tong lugar na to eh.' ayun nag salita din.

"bakit? anong meron dito tsaka bakit mo pa ako sinama?"tumingin siya sakin, parang nangingintab ang mga mata niya. Ano yun? teka luha ba yun? umiiyak ba si trey?

"uhm.. trey ayos ka lang ba?" nag thumbs up lang sya sign na okey lang siya. magkamukha talga sila ni troy, kamusta na kaya siya?

"trey hindi ba tayo bababa?"

"hindi na, dito nalang tayo."

"ok."

tahimik nanaman kami, ang mabuti pa ako na unang mag sasalita.

"trey-cindy" sabay namin sa banggit.

"sige mauna ka na." ako

"hindi ikaw na." trey

"ikaw na." ako

"ikaw na" trey

"ikaw" ako

"ikaw na." trey

"ikaw na kasi." ako

"ikaw nalang." trey

"hays! ikaw na." ako

"sige na! ikaw na." trey

tumahimik kaming dalawa at nag tawanan.

"bakit ba tayo nag papasahan? osige na nga ako na ang mauuna!" sabi ko with taas kamay. tumango lang sya.

"uhm trey wag mo sanang mamasamain ang tanong ko ha. gusto ko lang naman malaman kung bakit hindi kayo close ng kapatid mo." matagal bago siya sumagot at kita sa mukha niya ang pag kalungkot.

"dito sa park na to, dito kami nag lalaro ng kapatid ko, at dito kaming mag papamilyang masayang mag kakasama." saglit na pinutol niya ang sinasabi niya.

"pero hindi na yun mang yayari kahit kailan." lumungkot lalo ang mukha niya, pati tuloy ako nalulungkot.

Flashback

Hindi na ako mag aaksaya pa ng oras kailangan ko na tong sabihin kay trisha hindi ko na to palalampasin, kailangan masabi ko na to at kailangan malaman na niya ang totoo. Ayokong maging bestfriend niya lang ako. Alam ko na matagal na akong gusto ni trisha pero lagi ko siyang tinatanggi at sinasabi kong hindi ko siya gusto. Siguro dahil natotorpe lang ako. Pero ngayon na nasa highschool na kami panahon na para malaman niya ang totoo kong nararamdaman. 2ndyear highschool na kami kaya naman pwede na siguro kaming mag on nito hindi ko naman ito ililihim sa mga magulang ko at alam ko na ganun din sa magulang ni trisha. Family friend namin sila kaya hindi malabong hndi ako matanggap ng mga magulang niya.

Pumasok ako ng maaga para Makita ko siya agad, at sa pag pasok ko ayun at nakita ko siya kasama niya ang classmate niya at ang pangalan ata nun ay shiela. Yun kasi ang lagi niyang kasama. Nilapitan ko sila.

"good morning sainyo." Bati ko sakanila. Nagulat naman si trisha.

"oh trey! Ang aga mo atang pumasok ngayon ha. Hulaan ko, wala kayong internet sa bahay niyo noh kaya maaga kang nakatulog kagabi. Hahaha." Sabi naman ni trisha. Alam kasi niya na madalas akong mag computer sa gabi yun kasi ang kinaadikan ko dati pa.

"hmm.. pwede din, pero meron talaga akong sadya eh." Sagot ko.

"oh ano naman yung sadya mo at bakit ka pumasok ng maaga?" tanong niya. Napatingin naman ako kay shiela yung kasama niya at tumingin ulit kay trisha. Ngumiti lang ako. Sa totoo lang medyo kinakabahan talaga ako.

Please..Love me like before..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon