Chapter 21.1

56 2 0
                                    

hindi ko naman inaasahan na makita si cindy na papadaan, pauwi na siguro siya. 

kumabog bigla ang dibdib ko, anu to? hindi ko maintindihan parang ang bilis ng tibok ng puso ko habang sinusundan ko  sya ng tingin at nang mawala na siya sa paningin ko nawala nang bigla yung tibok dito sa puso ko. anong ibig sabihin nun?

"troy. i'm asking.." napabalikwas ang tingin ko kay trisha.

'ha? ah..oo naman hindi ako katulad ng kuya ko, mag kaibang mag kaiba kami."

"kung ganon, meron akong gustong hingiing pabor sayo." malungkot pero nakangiti niyang sabi. hawak hawak niya pa din ang kamay ko.

"gusto kong.. gusto kong ligawan mo si cindy." inalis ko ang kamay ko mula sa pag kakahawak niya na ikinahulog ng kutsarang pinag lalaruan ko.

"ano bang klaseng pabor yan?"galit kong tanong.

"troy please do it for me, gusto ko lang naman.. makasiguro ako na hindi ka talaga katulad sa kuya mo na agad agad ma fa-fall sa ibang babae lalo na't bago palang naman itong nakikilala."

"nababaliw ka na trisha, sinabi ko na nga sayong hindi ako katulad sa kuya ko, at isa pa hindi ko magagawang ligawan si cindy." seryosong sagot ko. bakit ko naman gagawin yun? ayoko siyang madamay dito.

"gusto ko lang mapanindigan mo, gusto kong mafall sayo si cindy pero ang kaibahan nun hindi ka dapat ma fall sakaniya, at pag nagawa mo yun, promise.. maniniwala na ako sayo, bukod sa kuya mo wala na akong iba pang pinag kakatiwalaan lalo na sa mga lalaking mamahalin ko, ayoko na masaktan, ayoko na umiyak ng ganito."

tiningnan ko lang sya, naluluha siya pero pinipigilan niya. seriously? naka drugs ba tong si trisha?

"bakit si cindy pa ang napili mo bakit hindi nalang ang ibang babae?" tanong ko.

"dahil matindi ang selos ko sa babaeng yun. hindi ko alam ano ba ang nagustuhan dun ni trey, eh di hamak naman na mas maganda ako sakaniya at mas sexy, at mas mayaman."

"at pagkatapos nun? anong mang yayare saten?"

"kakalimutan ko na si trey, at susuklian ko ang pag mamahal mo sakin." nakangiti niyang sabi.

"hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pa tong gawin."

"troy, ang gusto ko lang naman paninindigan mo."

"pano kung masaktan ko si cindy?"

"edi bahala sya sa buhay niya. pero kailangan mo siyang mapa ibig."

"sa tingin ko.."

Please..Love me like before..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon