Chapter 16

65 3 2
                                    

Chapter 16

Cindy’s POV

Hindi ako makatulog, kanina pa akong nakahiga pero hindi ko magawang makatulog. Binabalikan ko ang mga pangyayare, pero mas lalo lang sumasakit ang ulo ko sa tuwing iisipin yun. Ano bang nangyayari? Bakit nagawa yun ni troy sakin? Sa sobrang galit niya nagawa niya akong saktan. Ang totoo ang sakit ng pisngi ko, namumula pa din sya at bakat na bakat ang malaking palad sa mukha ko. Hays, sana sabado nalang bukas para walang pasok, bakit kasi Friday pa eh. Pero kailangan ko pa din pumasok, mabuti nalang nang makauwi ako ng bahay hindi napansin nila mama at papa ang mukha ko. Tinakpan ko kasi ng buhok ko.

Bumangon ako sa pag kakahiga, ano ba yung nandun sa video? Bakit ganun nalang ang gulat ni trey sa nakita niya? Hay.. ang bilis talaga ng mga pangyayari. Bakit galit na galit si troy? Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganun. At nagawa niya pa akong masampal. Bukas, sigurado mag kikita kami sa school, hindi ko na muna siya kakausapin, siguro iiwas nalang muna ako sakaniya, pero bakit kahit nagawa niya akong saktan wala akong maramdaman na galit sakaniya. Si Trisha, nakita niya kaming mag kasama ni trey, ang buong akala ko magagalit din sakin si trisha pero tinulungan niya pa din ako. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit sila andun sa lugar na yun, hinintay kaya kaming dalawa ni trey sa lugar na yun?

Haaaaays! Ang sakit na ng ulo ko, gusto ko na matulog pero hindi ako makatulog.

Gusto ko makausap si troy tungkol sa nangyari, pero sigurado hindi ako nun kakausapin, si Trey, kailangan iwasan ko din muna siya. Nang dahil siguro sakin kaya nangyari ito.

Hindi ko namalayan na may luha na palang tumulo sa mga mata ko, humiga na ako ulit at niyakap ng mahigpit ang unan at humagulgul ako sa iyak.

“hindi kita maintindihan troy! Ano bang problema mo? Nag seselos ka dahil kasama ko cindy?”

“nag kakamali ka, kahit kailan hindi ako mag seselos dahil sa kasama mo ang babaeng yan.”

Naalala ko ang sinabi ni troy na mas lalo sakin nag paiyak, hindi ko alam bakit ako umiiyak, hindi ko alam bakit ako nasasaktan, hindi ko alam bakit ako nag aalala ng ganto at ang alam ko lang gusto ko si Troy at siguro kaya ako nasasaktan ay dahil sa sinabi niya. Masyado lang siguro akong umasa kaya ako nasaktan.

Please..Love me like before..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon