SANA SANA

29 2 2
                                    

Sana noon pa lang alam ko na
Sana di na lang pala ako umasa
Kasi kahit anong pilit kong gustohin na sana di na lang ikaw, Ikaw at ikaw pa rin pala.

Sana ikaw ay nakalaya na sa panahong di mo makalimotan pa.
Oo alam kong di mo pa kaya
Pero ansakit lang sa damdamin ang maghintay sa taong nakakulong pa sa panahong siya ay may nararamdaman pa sa iba.
Kaya tama na, Ayoko na!

Ang hirap pala, di ko na alam kung tama pa ba tong nararamdaman ko para sayo
Di ko alam kung saan ako lulugar sa buhay mo
Di naman ako ganito pero pagdating talaga sayo nasasaktan ako.
Masakit, masakit ang sabi ng puso ko.
Kaya inuulit ko nasasaktan na ako.

Alam ng puso't isipan ko na wala talagang tayo
Sana matapos na rin tong kagagahan ko kasi ako talaga ang may problema dito
Pero anong magagawa ko nagmahal lang ako, nagmahal sa maling tao.
Kung alam ko lang magkakaganito ako sana sana di na lang pala kita nakilala.

Sabi ng mga kaibigan mo ay okay ka na
Pero ramdam kong hindi pa
Kaya napagdesisyonan ko na lamang lumayo na kasi ayaw kong dumating ang panahon na ako ay umaasa lang pala
Yan ang ayaw na ayaw ko ng maulit pa
Kaya wag kang mag alala kakalimutan na talaga kita
Pero asahan mo kaibigan mo pa rin ako
Kaibigang laging nakatingin sa likod mo.

At sa huling pagkakataon para matapos na itong tula ko, sana lang talaga dumating ang araw di man ngayon, bukas o ilang taon man ang lumipas na ako naman ang mapansin mo. Yung tipong nakikita sa araw araw ang nakangiting labi sa iyong mukha kasi ako ang kaharap at kausap mo.
At kung dumating man ang araw na yan sana sana masaya na akong haharapin ang katotohanan na wala talagang ikaw at ako.

Nichaphat VachiravitWhere stories live. Discover now