Chapter 1

70 1 0
                                    

Zoey's POV

Andito ako ngayon sa gym ng school, nanonood ng laban ng bebe ko lols. Sabado ngayon saka required kaming manood.

Magisa lang ako sa pwesto ko kasi bumili ng pagkain yung mga kasama ko. Like bahala na nga sila baka mag start na yung game.

Kinuha ko na lang phone ko at nag scroll scroll lang sa newsfeed. Kaka boring nemen eng tegel nela. Makapag status nga! Hehe.

Zoey Perez

Sy Academy ftw!!

Bagal naman ng signal dito! Azar!

Sumimangot ako. Nakakaboring talaga! Huhu!

Kukuhain ko na lang sana yung pagkain ko sa bag nang narinig ko yung bulungan at sigawan. Napatingin ako, kaya pala. Lumabas na kasi sila Daniel.

girl 1: Daniel akin ka na lang!!!

girl 2: OMG ang pogi nila.

girl 1: oh my gosh i must die na talaga! super pogi kasi eh!!!

Nagpantig yung tenga ko sa marinig ko. Tinignan ko sila, mula ulo mukhang paa. Susme kakaloka. Mga froglets! Hmp!

Lumipat na lang ako ng upuan sa bandang gitna ang dami na kasing nasa harapan.

Pagkaupo ko saka naman dumating sila Hazel.

"Oh anong nangyari sa mukha mo Zoey? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Saka bakit ka lumipat ng upuan? Dapat hindi ka na lumipat! Anyare? Buti nahanap ka namin." Tanong naman ni Keila.

"Oo nga." sang ayon naman ni chloe.

"Isa isa lang sa tanong bes! Matagal mag process utak ko! Charot!" bilis kasi magtanong parang machine gun.  Inirapan niya ako. "Ano nga?"

"Eh nakakairita kasi ang lalandi ng mga froglets eh. Nagiinit tuktok ko sa mga sinisigaw nila! Sukat ba naman sumigaw sa harap ko ng "Daniel akin ka na lang!" Like you have the guts!? Nasa harap ako nila! Hindi ba sila aware na ako ang future ni Daniel?!" kakainit talaga ng tuktok eh! Kaka g!

"Kaya pala! Hahaha pero ang pilengera mo sa part na yan ah! kaloka!" sabi naman ni Stella. Duh? Me pa ba? Hihi. Inirapan ko na lang sila.

after 10 minutes nag simula na yung laro.

1st quarter

ang Defenders ang nanalo *team nila DL inshort ng Daniel Lim*

22 over 18

"Sana sila yung manalo." sabi ko with cross finger pa.

"Sila talaga mananalo ang galing kaya ng Andrei baby ko." kinikilig na sabi ni Chloe.

"Talaga ba Chloe? mas magaling kaya si James my loves." kinikilig na sabi din ni Stella.

"Mas magaling si Andrei." sabi ni Chloe.

"si James kaya yung mas magaling." sabi ni Stella.

"Wag na nga tayong mag talo. Para tayong bata. Saka pare-parehas naman silang magaling eh." natatawang sabi ni Stella.

"Oo nga Tama na. Mas gwapo pa kaya si Daniel ang galing nya pa mag basket ball." pabulong kong sabi.

"Hoy Zoey may sinasabi ka ba?!" sabay na sabi ng dalawa.

"a-ako? ma-ay s-sinasabi ba k-ko? hehe" natatakot kong sabi. Nakakatakot sila para silang kakain ng tao. Inirapan nila ako. Hmp!

Tinignan ko ang katabi kong si Hazel. Nakatulala. Tinapik ko siya. "Hazel? Oyy!" sabi ko. Lutang hahahaha.

"S-Sorry. Bakit pala?" nagaalangang tanong niya. Ngumiti ako. "Wala naman. Okay ka lang ba? Nitong mga nakaraan kasi ang tahimik mo na eh." sinabi niyang okay lang siya at wag'na akong magalala.

after 12345 years....chos natapos na yung game syempre nanalo ang team ng my loves ko.

"Grabe ang galing talaga ni Daniel." sabi ko.

"Oo na, Sige mauna na kami Zoey. may practice pa kami sa blah blah blah" sabi ni stella habang nag aayos ako ng gamit ko.

"Ahm sige babye!!" kaway ko sa kanila.

Kahit kasi sabado may mga practice or meeting yung mga clubs na sinalihan. Nakalimutan ko na yung kila Stella, Pero ako sa math wizard. Hindi kapanipaniwala, Right? Ako din di makapaniwala hahahaha. Medj trip ko yung math sa lahat ng subject.

Naglalakad ako sa gym palabas. Anong oras na kasi. Saka wala nang tao ngayong oras kasi may mga practice din sila. So yun nga malapit nako makaalis ng gym ng bigla akong natamaan ng bola.

*BOOGSH*

*BLOCK OUT*

ANG CRUSH KONG BASKETBALL PLAYERWhere stories live. Discover now