Chapter 1 -- [ The Day We Lost Imei ]

54 4 0
                                    

 -- Bukas na po ako mag-uupdate ng APUMR! XOXO guys. Thanks. :))

--------------------------

Chapter 1

Yana's POV

Hays, wala na namang magawa nandito kami sa pagtitipon sa bagong silang na prinsipe. Nakakabore  kasi puro sosyalan at hindi ko maintindihan. Kasama ko ang buong angkan ng White oracle na humahawak ng pinakamataas na posisyon sa lipunan ng planetang Imei. Kasama rin sa angkan namin ang pamilya ng mahal na hari, bale sila ang pinkamataas at namumuno sa amin.

Nga pala, ako si Yana Dana. Ang nakakatandang anak ng namamahala sa pagbibigay ng sensei sa bawat dughong bughaw, ang aking ama. May nakatakda na para sa akin, ang kapatid ng bagong anak na prinsipe, si Iris. Lalaki siya at magkasing edad lang kami. Sa katunayan nga niyan, hindi ako nahirapang makasundo siya, dahil mabait naman at gwapo pa. *u*

Hindi pa nagsisimula ang pagtitipon, kaya nakakawalang gana. Buti na lang at nandito si Iris. "Ok ka lang ba Yana? Mukhang nababagot ka?" Napansin rin pala niya iyon. Hehe

"Ah hindi naman po , ok lang po." Nakakahiya naman kung umamin ako sa kanya di ba?

Grabe ang paghahanda sa pagtitipon na ito. Ang bagong anak na prinsipe kasi ang papalit sa trono ng ama nila, dahil may nakalaan na para kay Iris. Buti nga at hindi gahaman si Iris eh, kundi kanina pa niya pinasabog ang buong Imei. 

Magsisimula na ang pagtitipon at lumabas na ang mahal na hari,"Mahal kong nasasakupan, ako, si Pada Barbosa ay nasa harapan ninyo upang ipakilala ang magiging hari ng kasalukuyang panahon. Ipinakikilala ko sa inyo ang aking anak, si Etlas." Sabay turo sa mag-ina na papalapit sa kanya. Kasabay nito ang pagliwanag ng buong paligid. Walang katapusang ilaw na kay gaganda. Mga lumilipad na Imeian na may hawak ng iba't ibang palamuti. 

Nagsasaya ang lahat animo'y walang  humpay sa pagsasaya ang lahat. Nakakatuwang isipin na sa tinagal-tagal ng panahon ay walang umaatake sa aming planeta. 

"At narito ang pinuno ng pamilya ng tagapagbigay ng sensei upang ihain sa atin ang magiging sensei ng aking anak." Sabay turo sa aking ama. Sino kaya ang tagapagalaga ng aming prinsipe?

Umakyat si ama at inilabas ang resulta ng kanyang matagal na pinag-aaralan. " Maraming salamat, mahal na hari, ang magiging tagapag-alaga ng ating bagong hari ay ang aking anak na Yuki Dana." Nagpalakpakan ang lahat. Nakakagulat dahil ang bunso ko pa lang kapatid ang tagapag-alaga ng mahal na prinsipe.

"Maraming salamat sa iyong pagbibigay, magbunyi tayong lahat para sa aking anak at sa kanyang sensei." Kasing edad ng mahal na prinsipe ang aking kapatid sa katunayan nga niyan eh sabay silang ipinanganak.

"Maari ba tayong sumayaw?' Alok ni Iris sa akin. "Oo naman, isang karangalan ho iyon para sa akin." Yiee! Inimbitahan niya akong sumayaw. Matutunaw ako! *u*

Lahat ng tao ay nagsasaya, saan ka man lumingon ay nagliliwanag. Hindi mo aasahan ang isang kahindik-hindik na mangyayari. Tuloy pa rin kami sa pagsasayaw ng makarinig ang lahat ng pagsabog sa may dakong norte. Nagkagulo ang lahat, nagsipagtakbuhan ang iba. Hinanap ko agad sina ama at ina, ngunit di ko sila nakita. Dahil sa pagkabigla at pagkalito, nabitawan ko ang kamay ni Iris, at tumakbo sa aming bahay pero papunta pa lang ako ng harangan ako ng mga apocalypse, ang gwardiya ng mahal na hari.

"Paraanin niyo ako! Kailangan kong mapuntahan sina ama at ina!" Nagpupumiglas ako sa kanila. "Pinapatawag ka ng mahal na hari!" Yun lang ang nasabi nila. Nagpupumiglas ako ngunit sobrang lakas nila, hindi ko makaya, kaya napilitan na lang akong sumunod sa kanila.

Patuloy ang kaguluhan sa labas, sunod-sunod rin ang pagsabog. Naiiyak na ako dahil hindi ko makita sina ama't ina. Nakarating na din kami sa palasyo. "Iha! Tahan na!" Pangaalo sa akin ng mahal na reyna.

"Bakit ako ninyo pinatawag? Sa gitna ng kaguluhan?" Nakakatampo sila. Ang pamilya ko! Paano na sila?

"Ipinatawag kita dahil may importante kang misyon. Ang iyong ama't ina ay pumayag sa misyong ito. Sa oras daw na magkaroon ng kaguluhan ay ikaw lang daw ang aasahan nila upang magligtas sa pamilya ng dugong bughaw. Wag kang mag-alala dakila ang iyong ama't ina kaya mas pinili nilang lumaban."

"Ano hong sabi ninyo? Iiwan ko ang pamilya ko sa oras na ito? Bakit? Ano bang misyon ito?"

"Lalayo kayo sa planetang ito at pupunta sa mundo ng mga tao. Dadalhin mo ang iyong nakababatang kapatid at ang prinsipe. Mamumuhay kayo ng normal doon at sa pagdating ng panahon ay aaminin mo sa prinsipe ang tungkulin niya at kanyang mamanahin. Nandito sa sulat lahat iyon." Sabay abot ng sulat sa akin.

"Yana, alagaan mong mabuti ang aking bunso. Makakaasa ba ako dyan?" Ang mahal na reyna.

Tumango ako. "Pero paano po kami makakapunta doon?" Tanong ko. Wala akong kapangyarihan para gawin iyon?  Sa  aking sensei lang iyon gagana.

"May makina upang magawa ninyo iyon." Huh? May nakagawa na sa amin yun? "Ngunit tatlo lang ang maaari kaya hindi maaaring sumama si Iris." Iiwan ko si Iris? TT.TT Patawad Iris. 

Sumakay na nga kami sa sinasabi nilang makakapagdala sa amin sa mundo ng mga tao pero bago kami tuluyan umalis.. " Ipagpaalam ninyo ako sa aking ama't ina at sana mailigtas ninyo ang planetang Imei para sa prinsipe." Kailangan ko itong gawin. Ako na muna ang bahala sa aking kapatid, mas kailangan niya ako.

Naglalakbay na kami, nagdarasal ako na sana ok lang planetang Imei at lahat ng tao roon. Ngunti isang malakas na pagsabog ang narinig ko at tumilapon kami kaya nawalan ako ng malay.

Paalam.. Iris

My Cutie Sensei [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon