20 | Meet Seventeen

280 16 1
                                        

Khaleesi

Kasalukuyan kaming hino-hot seat ng instructor namin ngayon sa harap ng mga ka-klase namin.

"So? You already had your vacant time, why eat now?" tanong ng instructor namin.

"Khaleesi fell asleep during our vacant time sir. Last minute na po siya naka-kain." sagot ni baklang Jeonghan.

Oo yan dapat siya lang ang sumagot. Eh siya yung dahilan kung bakit kami late ngayon eh. Bwiset na baklang ito, bakla.

"And you're with her because?"

"Sinabayan ko po siya kumain."

Oh weh talaga.

Naka-rinig ako ng mga kung ano-anong mga side comments. May negative, but mostly positive. Ay mali, mostly negative pala. Puro sila asar.

Kung alam lang nila, bading po si Jeonghan.

"And why are you eating late Mr.Yoon?"

Ano ba naman 'tong si sir, daig pa imbestigador sa sobrang daming tanong. Eh kung kanina niya pa kami pinaupo, edi nakapag-turo na siya diba.

"I slept as well."

"So you slept together?"

















"Yes."



















Hala gago.

"Wha— You both did?!"

"Sir! What Jeonghan meant was ano! Naka-idlip kami pareho d-doon sa rooftop kaya last minute na kami kumain!"

Napa-buntong hininga nalang si sir kaagad. Ay jusq baket ba naman kasi iba pumasok sa isip ni sir, eh bakla kaya yan si Jeonghan ghad.

"Sige na juice ko ng mga batang ito. You may now take your seats."

Palihim 'kong kinurot si Jeonghan sa braso niya. Charot, chumachansing lang talaga ako.

"Aray." bulong niya sakin.

"Ikaw kasi eh." pasigaw ko din na bulong sakanya.

"Anong ginawa ko?" Aba! Kunwari pa siya?

"Anong Anong ginawa mo? Di mo ala—"

"Pwede ba Mr.Yoon and Ms.Jeon? Nag-bulungan pa kayo."

Ay ano ba yan.

Narinig pala.

Che!

Umupo na kami sa mga upuan namin at unfortunately, hindi kami mag-katabi ni Jeonghan, magka-row lang.

Pagka-upo ko, binigyan ako ni Aphrodite ng mapang-lokong ngisi.

"Ang creepy mo dyan."

"Ikaw ha! Kayo ha!"

"Ano nanaman?"

"Saan kayo galing ni Jeonghan?" sinundot sundot pa niya yung tagiliran ko.

"Anong saan galing? Doon lang sa roof—"

"Ms.Jeon for the 2nd time! Bumulong ka pa."

Ako nanaman.

Arghhh.

.

Uwian na namin at kasalukuyang naga-ayos na kami ni Aphrodite ng mga gamit namin. Sa kabutihang daliri, hindi kami cleaners nitong babaitang ito. Nag-bago na sila ng arrangement at lahat kami in favor doon.

entice | jeonghan [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon