49 | Seungcheol's Party (3)

151 11 0
                                        

Khaleesi

1 hour, 10 minutes.

1 hour and 10 minutes na akong bagot na bagot dito sa loob ng elevator. Bakit walang nagre-respond sa akin eh ilang beses ko nang pinindot yung nakakarinding emergency button na iyan?!

Ano, dito na ba ako mags-stay buong gabi? Aba bakit pa ako pumunta dito kung ganon?!

"Kapag ako talaga naka-labas dito. Kapag talaga nakita ko si Athena. Ibabato ko sya pabalik sa sinapupunan ng nanay nya!"

Kung ano anong pagbabanta na yung ginawa ko kay Athena at mukha na akong tangang naka-higa dito sa loob ng elevator. Nilabas ko na nga din ang towel ko't kinumutan yung sarili ko dahil ang lamig pag mag-isa dito sa elevator eh.

Nagugutom na ako dahil sandwich lang ang kinain ko simula kaninang araw. Kanina pa kumukulo ng kumukulo ang tyan ko at nanghihina na din ako. And by nanghihina I meant inaantok.

Kapag nagising ako at hindi parin ayos ang elevator na ito, habang buhay na mamalasin yang si Athena bwisit sya!























Aphrodite's

Busy ako sa pag-kain ng pizza habang nagma-manicure nang biglang may nag-doorbell sa room namin ni Khal. I swear kung si Khal ito sasabunutan ko siya, sabi susunod agad eh anong oras na?

Lumapit ako at binuksan ang pinto. Sisigaw na sana ako kaso si Jeonghan ang nakita ko.

"Oh bakit?" Tanong ko sakanya habang sya naman sumisilip silip sa loob ng room.

"Where's Khaleesi?" Tanong niya.

Huh? "Hindi ko alam, akala ko kasama mo."

"No..? Akala ko kasama mo?"

Umiling ako. Nag-lakad naman sya papunta sa room nila Jun at hinanap si Khaleesi doon.

"Wait, she's not there?" Tanong sa akin ni Jun.

Ni-rolyo ko mata ko. "Kung nandito sya hahanapin pa ba ni Jeonghan dyan?" Gwapo nga, minsan slow naman.

"I'll look for her downstairs." Sabi ni Jeonghan at mag-lalakad na sana nang maka-salubong niya si Minghao.

Nakita niya siguro yung mga mukha namin. "Ano meron?" Tanong niya.

"Have you seen Khaleesi?" Tanong ni Jeonghan.

Umiling si Minghao. "No.. I haven't seen her downstairs. Wala si noona dito?"

Umiling kami.

Nag-simula na akong kabahan. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko lang. kaya kahit hindi ko pa tapos ang mga kuko ko, nag-volunteer ako. "I'll help look for her."

Ganon din si Jun at Minghao. Nag-hiwahiwalay kami at nang tumagal, ang buong seventeen na din ang tumulong na mag-hanap kay Khaleesi.

Ang swerte nya ha, nage-effort seventeen sakanya. Kapag nakita ko siya I swear, kukurutin ko siya sa singit.
























After 30 minutes...

Khaleesi's

Nagising ako kasi nangangawit na ang likod ko na matigas na sahig ng elevator. Pakiramdam ko ina-autopsy ako eh, ang lamig.

Tinignan ko ang orasan ko. Ukinam.

"Hoy wala bang nagmamahal sa akin?! Nasa elevator ako oh!!" Sigaw ko sa ere at tumayo para kulitin nanaman ang emergency buzzer. Paulit ulit ko siyang pinindot to the point na nanakit na ng husto ang hintuturo ko. "ARRRRGH! Gutom na gutom na ako please naman!!"

entice | jeonghan [completed]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon