Khaleesi
Maaga akong nagising kinabukasan dahil may pasok nanaman pero fortunately, friday na at bukas na ang prom. Sinukat ko kagabi ang magiging outfit ko at nagulat ako dahil ang ganda nila tignan. Na-excite na tuloy ako para bukas kaso nga lang, hindi ko pa alam kung may masusuot na si Jeonghan. Sinubukan ko din mag-hanap online pero puro hindi fit sa colors ng susuotin ko ang mga nakikita ko. Sana lang may makita si Jeonghan.
"Hurry up, sis." Utos ni Wonwoo nang maka-pasok na siya sa kotse. Atat naman eh mamaya pa pasok neto.
"Kumalma ka." Sabi ko habang pumapasok sa passenger's seat pero pinigilan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin para tanungin kung bakit.
Napa-kamot siya sa ulo niya. "Dyan si Aphrodite."
Kaya naman pala. Kasabay namin si Aphrodite ngayon. Asus itong dalawang ito. "Okay fine." Sabi ko bago sumakay sa likod ng kotse. Pinaandar niya din naman kaagad at nag-simula na siyang mag maneho papunta sa bahay nila Aphrodite.
"Yung totoo, kayo na ba?" Tanong ko habang inuubos yung french bread ko. Pansin ko lang kasi na madalas na 'tong dalawang to mag-usap at mag-kasama.
Umiling siya. "Wala pa kaming label."
"Eh bakit ayaw mo lagyan?" Mahirap kaya kapag walang label. Hindi mo alam kung ano ang pinanghahawakan mo.
Tumawa lang siya. "Hindi naman kami nagma-madali eh. It'll come around eventually."
Nginusuan ko siya. Hindi naman kami nagma-madali ni Jeonghan pero bakit parang natamaan ako ng bahagya? Tse.
Dahil hindi naman ganon ang layo ng bahay nila Dite sa bahay namin, mabilis lang kami nakarating at buti nalang nandoon na siya sa gate nila na nagaantay. Nang saglit na huminto ang kotse ni Wonu hyung, kaagad namang pumasok si Dite sa passenger's seat. Aba, sanay ah.
"Morning!" Bati ni Aphrodite sa kanya na may ngiting abot hanggang jupiter. Ako nasasaktan sa pisngi niya eh.
Nginitian din siya ni Wonwoo. "Morning. My ugly sister's at the back." Tumango siya sa direksyon ko kaya naman lumingon sa akin si Dite.
"Oh te! Anong mukha yan, ang aga aga naka busangot ka." Tumatawang sabi ni Dite habang kinakabit ang seatbelt niya.
Pinaandar na ulit ni Wonu yung kotse papuntang school naman namin.
"Paanong di ako bubusangot eh third wheel ako mga hayop kayo." Biro ko.
"Grabe naman mag-reklamo. Makikita mo din naman si Jeonghan mamaya ah?" Uminom siya sa kape niya bago ako lingunin ulit. "So kamusta shopping. Nabili niyo dapat nuyong bilhin?"
"Isa pa yun sa mga dahilan kung bakit ako naka-busangot!" Nalakasan ko masyado yung pananalita ko kaya may mga bread crumbs na tumalsik galing bibig ko. Eh pake ko sakanila, sila lang naman yan. Buti sana kung si Jeonghan yan, mahihiya ako ng todo.
"Bakit naman? Wala ka bang nabili?"
"Ako meron. Pero si Jeonghan ang wala pa." huminga ako ng malalim bago sumandal. "Bukas pa naman na iyon."
"Malay mo may makita siya last minute. Wag ka mag drama dyan te." Chill na sabi niya.
"Hanep chill chill nalang. Bakit, meron ka na nabili?" Tanong ko at kaagad naman siyang tumango.
Narinig 'kong tumawa si Wonwoo. "Kung alam mo lang sis, ang tagal niyang hinanap yung gown niya." Sabi niya habang ang tingin nasa daan pa din.
BINABASA MO ANG
entice | jeonghan [completed]
Fanfictionwhere khaleesi attempts to seduce that gay jeonghan - [!] please be aware that this was created years ago and was poorly written therefore i recommend to read at your own discretion. this may also include insensitive remarks by characters so i'm apo...
![entice | jeonghan [completed]](https://img.wattpad.com/cover/54347955-64-k576600.jpg)