So ito na nga diba nagsearch ako sa YouTube ng pinapapractice sakin, diba may mga recommended yun?, yun dun ako nagsimula na 'Ay? Ano kaya to?'
Tapos napunta ako nun ata sa MissA. Ung 'Only You' nila ung una ko nakita kasi may nakita ako sa Facebook na may something doon sa song nila.
Meron daw Demon dun sa song nila. May sumisigaw daw. Edi pinakinggan ko. And then na creeped out ako. Pero pinakinggan ko nalang ung song then hinanap ko ung dance practice nila sa JYP.
Yun ung time na hindi pako magaling magmemorize ng mga sayaw sa Kpop. Hindi ko yun natapos hanggang ngayon. Lol. So yun na inulit ulit ko ung song na un. Hanggang mamemorize ko na ung song.
Then may hanggang sa Grade 8 nako, kasi Grade 7 ako nag start diba? So yun meron kami bagong kaklase si Joyce. First impression ko sakanya malandi siya kasi sobrang jolly niya on the first day.
I didn't actually expect na magiging Friend ko siya. Kasi malamang sa alamang di ko pa alam mga favorite things niya. Pero pagtagal tagal nagkausap na kami.
Diko na alam kung ano pinagusapan namin n'on kung at nagka usapan na kami. Then naging magclose na kami. Ako, si Joyce, Kim, Princess at Cheska.
Dun ko nalaman na Kpop fan din sila kasi narinig kong kinakanta nila ung Like Ooh Ahh ng Twice. Diko sila nilapitan non kasi kasama ko iba kong friends.
After ilang weeks na pagbo bonding namin, napagtripan nila sumayaw ng Like Ooh Ahh sa room namin. Pero hindi siya proper na cover. Nagsayaw lang sila ng nagsayaw.
Magma march na yun eh. Jusme ung room namin warak warak na. Mag butas ung wood na panakip sa bintana. And nung nagcover sila madilim non.
Pinost ko siya sa Youtube Account ko na C**** K***. Then nakakuha siya ng 200+ na views. LOL marami na un para sakin kasi sa main account ko di umaabot ng 100. Lol
Note From the Author: Message niyo ko kung gusto niyo makita cover nila. Lol
So yun na nga nacover sila nun then nakakuha ng maraming views then nagbakasyon na...
Bago magpasukan ng Grade 9 nagmeet kami ni Bestfriend sa school ng coincidentally kasi may meeting ung parents. Then nagsama kami nung nagkita kami.
Nang magkasama kami nun, nagkwentuhan kami. Kasi one year kami di nagkasama kasi nahiwalay siya ng section. Then natanong ko kung alam pa niya ung Choreography ng CRAZY ng 4minute. Sabi niya oo daw.
Then sabi ko cover natin. Kinover namin then muka kaming tanga kasi sali saliwa ung steps namin. Pero pinost ko sa Main Account ko na ung cover namin na yun.
Sa K*** C**** ko un pinost. Yun ung first cover ko sa Main Account ko. BTW, Hate chaka CRAZY ung kinover namin.
Note From Author: Message me again pag gusto niyo makita. (Probably not)
Pagtapos nun nagkaalaman na ng section. And hiwalay naman kami. Nagmakaawa ako sa mga teacher namin na pagsamahin naman kami sa same section kasi one year kami di magkikita.
Malamang sa alamang di siya papayag kaya we just let it slide. Maghihintay nalang kami sa next year baka magkaklase na kami. Mahirap maghintay yknow? Malamang alam niyo.
Nung pasukan na ng Grade 9 jusko ang OP ko sa room kasi napunta ako sa 1st section. Lol galing ako regular section tapos napunta sa 1st section. Nakakapanibago dahil hindi ko kilala mga classmates ko. And muka silang nerds omaygash. Halos lahat naka salamin including me.
Pero buti maman kasama ko si Dorothy na nalipat sa 1st section. Tama lang naman grade namin sa required na grade pero sabi kasi sakin kulang lang ng lalake kaya ako inakyat. Nakakaoffend kaya yun.
Nang nasa 1st section na kami, kami lang lagi magkatabi kasi two or three lang kilala namin sa higher section. Dahil sa mga friend ng friend namin. Isa na dun si Denise.
Babae siya, malamang sa alamang, mahilig siya magukelele.Then ung isa si Nicole, mahilig siya sa kahit ako, kahit anong magustuhan mo kaya niya rin gustuhin.
Lastly, si Pearl, poker face yun lagi pero sobrang kulit pag nakaclose mo na. Naka kilala ko si Pearl dahil kay Denise na kinukulit ung kaibigan ko sa lower section.
Ung tipong pag nakita niya si Denise tatakbo at magtatago na siya. Kasi kukurutin ung pisngi niya. Kakuntyaba ni Denise si Pearl para makulot lang siya.
Ako naman, si Mr. Walang Magawa, bawal ko daw sila pigilan kasi minsan lang nila makita ung kaibigan ko. Ok nawala na tayo sa storyline. Balik na tayo...
First day of class kaming apat lang naguuusap. Kasi kami lang makakilala. Lol pero eventually si Adviser sabi kausapin lahat. Ako naman, si Mr. Mahiyain, di nangausap. Pero may isang babaeng lumapit sakin. Sabi niya 'Let's be friends, Ok?' Then sinagot ko sabi ko ok. Pero kilala ko ung girl by face pero di ko alam ung name niya.
Nakasama ko na siya noong Grade 7 sa Canteen habang lunch. Nakatabi ko siya. Kaibigan kasi nung mama ko ung mama niya. Pero di kami magkakilala ng mga anak niya.
Tinanong ko noon kay mama kung ano relation nilang dalawa. Siya daw yung kasa kasama niyo nung nangabit ung papa ko (Shh!). Tapos sabi ko ' Ahh ganon ba? Ok'
Then kinabukasan tinanong ko si Girl kung ano sabi sakanya ng mama niya tungkol sakin kasi nung gabi nagchat kami sabi niya may sasabihin daw siya bukas
Sabi niya 'Sabi ni mama 'Ok na ba si J******?' Tapos sabi naman niya 'Oo ma bakit?' Tapos kinwento ni mama niya yung nangyari noon nung nangabit si mama.
Kinabukasan kinomfot niya ko, kasi siya ung BES ko dun sa Section 1 eh. Pero sabi ok naman nako nakamove on na, kasi nung bata pako nun eh. Mga grade 3 or 4 nangabit na siya.
Meron pa ine time naglalaro ako sa kanto ng street namin. Hawak ko phone ni papa. Tapos bigla may tumawag dun sa phone. Pag sagot ko minura ako kasi yun pala ung kabit.
Sabi niya 'P.I. ka!' Ako naman si Mr. Inosente pa noon. Hindi ko yun alam kasi binigay ko nalang kay papa. Now i realized na minura niya pala ako nun.
So kung nakamove on nako dun. Move on narin tayo sa story...