⌚ Chapter 3

89 6 5
                                    

Chapter 3 : Prince Charming

Viktoria's POV

"Viktoria, anak, sumabay ka na sa'kin."

"Mauna ka na po, Ma. Sige na po. Susunod na lang po ako."

"Okay, bahala ka." 

Umalis na si Mama. Ako na lang ang mag-isa dito sa bahay. Nakauwi na daw sila Marcus at Tita Airene galing sa London kaya may party blah blah sa mansion nila. Ayokong pumunta. Hindi dahil sa ayaw ko silang makita ah! Inatake lang talaga ako ng katamaran ngayon.

Ano na kayang itsura ni Marcus? Hmmm . . . white pa rin kaya ang color ng hair niya? Tss, baka hindi niya na ko natatandaan. Nine years. Nine years.

Makapag-Facebook na nga lang!

Nasa'n na ba ang maganda kong cellphone? E ayun! Nasa ibabaw ng drawer. Kinuha ko 'yon at amazing, may crack ang screen (ang shunga kasi ng floor) pero okay pa rin 'to. Facebook. Facebook. Facebook. Walang notifications at messages? Makapag-gala muna nga sa news feed!

Ranjan Gramata

Buti pa yung DOTA, may DOTA 2 na. Yung I love ko sayo wala pa. :(

Grace Malonzo 

According to studies, the more you make a person laugh, the more that one gets attracted to you and fall in love. alam na this. <3 hehehe :D

Angel de Guzman 

"Work so hard that one day your signature will be called an authograph." PUSH! I swear this will happen to me! :') #Dreams

 

Marc Vincent Osia

yehey! may party sa kapitbahay. ^^ sarrrrrap ng FOODS. haha <picture>

 

 

Waaaaah! Sa mansion nila Marcus 'to ah? Ang sarap nga ng mga pagkain! Picture pa lang 'to. Punta na kaya ako? Oy! Hindi ako matakaw, nagugutom na talaga ako. Atsaka, medyo kumukulit nanaman ang imahinasyon ko. Huh? Hindi ako natatakot. Ba't ko pa kasi naisip 'yon? Huhu.

"Mamaaaaaa!" Agad akong tumakbo palabas ng bahay, inaamin ko, sobrang matatakutin akong tao!

Ayan, naiwan ko pa cellphone ko sa loob ng kwarto. Ayoko nang bumalik. Pupunta na 'ko sa party, haaay. Ba't hindi pa 'ko sumabay kay Mama? Galing ko talaga mag-isip.

*

 

The White RabbitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon