⌚ Chapter 2

101 7 5
                                    

Chapter 2 : Picture Frame

"Viktoria! Gising! Huy! Bungi! Gumising ka na!"

Unti-unting minulat ni Viktoria ang kanyang mga mata. At si Marcus lang naman ang bumungad sakanya. "White hair?"

"Marcus pangalan ko! Nakalimutan mo na ba? Pinapasok ako ng mama mo dito. Maglaro daw tayo." Tumayo si Marcus sa kama at tumalon-talon pa. "Dito muna ako sa inyo." Pahabol niya.

Bumangon na si Viktoria, tumayo siya sa kama para mapantayan si Marcus na kanina pa talon ng talon. "Kasama mo si Mister Rabbit?" Tumango naman ang batang lalaki bilang sagot rito.

Tumigil na sa pagtalon si Marcus. Napagod na rin siguro. "Pinabantay ako ni Tita Airene sa mama mo. Mag-sipilyo ka nga, para magkaroon ka na ng mga ngipin. Pfft." Mapang-asar din 'tong si Marcus e noh? Pagbigyan, minsan lang siya magkaroon ng kaibigan. Actually, si Viktoria ang pinaka una at nag-iisang kaibigan niya, natatakot kasi ang ibang bata kay Marcus, dahil sa puting buhok na meron siya. Pero mas marami ang nang-aasar sa kanya.

"Psh! Oo na!"

*

"Viktoria! May nahanap ako! Anong gagawin?" Nasa hardin sila ngayon. Naghahanap sila ng tipaklong para huliin at ilagay sa garapon na may butas ang takip.

"Walang mangyayari kung tititigan mo lang! Huliin mo na bago pa siya mawala!" - Viktoria

Dahan-dahang linalapit ni Marcus ang dalawang kamay niya sa tipaklong. Boom! Sinubukan niyang huliin kaso tumagilid ang status. Natumba lang siya. Wala 'to. "Hahahahaha! Ba't mo dinadaganan ang halaman namin? Hahahaha!"

"Kainis na bato! Ganito lang ba talaga ang ginagawa ng magkaibigan?!" Medyo malayo sila sa isa't isa kaya sigawan mode. Kaso parang iba ang kay Marcus, galit na ata siya.

Tumakbo palapit si Viktoria kay Marcus para tulungan siyang makatayo. Inabot ni Viktoria ang kamay niya kay Marcus, tinanggap naman ito ng batang lalaki. "Madaming ginagawa ang magkaibigan, hindi lang pagha---Aaaah!" Natumba sila pareho at . . . at . . . Jusmiyomarimar! Music please!

♫♪ ~Baby, I love you

I never want to let you go

The more I think about

The more I want to let you know

That everything you do

Is super duper cute

And I can't stand it~ ♬♩

The White RabbitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon