Simula

194 9 1
                                    

Simula

"Walang babaeng hindi nadadaan sa tiyaga." Yan ang paulit-ulit na sinasabi sa'kin ng tatay ko.

Bata pa lang ako, nakita ko na kung gaano magmahalan ang mga magulang ko. Mula noon, nangarap na 'ko na magkaroon ng pamilyang kasing saya ng sa'min.

Nung unang beses na nagkagusto ako nang husto sa isang babae, wala akong pinalampas na oras para masabi at maiparamdam sa kanya.

Mabait siya, maganda, at maraming natutuwa sa kanya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang sungit-sungit niya sa'kin. Kung bakit sa bawat oras na lumalapit ako sa kanya ay pinagtatabuyan niya 'ko.

Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako.
Mahal ko talaga siya at gagawin ko ang lahat maipanalo ko lang ang puso niya.

~*~

By: whiteponytail

He And His EffortsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon