Ikaanim na Kabanata

46 5 0
                                    

Ikaanim na Kabanata

~*~

"Hanep ah! Apir!" Umapir ako kay John Ric pati na rin sa iba pang kaibigan ko. Nakapalibot ngayon ang mga upuan namin.

"Ibang klase yun, ah. Ang lakas ng loob mo, 'tol!" sabi naman ni Justin.

"Ganda pala ng boses mo. How to be you po?"

"Gago!"

"Pero wala ka pa rin kay John Ric." Napuno ng pangangantyaw ang buong classroom dahil sa sinabi ni Michael. "Ito ang pinakamatinding hokage."

Tumawa si John Ric at pinaggugulo ang buhok ni Michael. Halatang masayang masaya siya.

"Siya ang gayahin mo 'tol."

Umiling-iling na lang ako at ngumiti.

~*~

Last day na ng Intramurals. Excited akong pumasok dahil alam kong pagkatapos nito, balik na naman sa boring na klase. Gusto ko na ring sulitin ang pagpapakita ng nararamdaman ko kay Margarette.

"Kanina ka pa sa salamin anak, ah."

Nilagyan ko ng wax ang buhok ko.  Tiningnan si nanay sa salamin at ngumiti sa kanya. Nakatayo siya sa likod ko at nakahalukipkip.

"Nabanggit sa'kin ng kuya mo na may nililigawan ka na raw. Totoo ba yun?"

Mabilis kong tinapos ang pag-aayos ng buhok ko at saka humarap na sa kanya. "Nay, inaayos ko po ang pag-aaral ko."

Wala pa siyang sinasabi pero yun na agad. Alam ko na kasi ang kasunod nun.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Ayos lang sa'kin na manligaw ka anak. Ang gusto ko lang, makilala yung babaeng napupusuan mo.."

Napupusuan. Naks. Panluma.

Gusto kong mapakamot sa ulo ko pero syempre hindi ko ginawa dahil mahahalata ako. Ayoko namang mapahiya sa nanay ko.

"Wag kayong mag-alala, nay. Kapag hindi na siya busy. Masyado po kasing masipag mag-aral yun. Focus. Dadalhin ko po siya dito."

Ngumiti siya. "May pag-asa ka naman ba?"

"Pag-asa?" Tumawa ako na may kasamang palakpak. "Syempre nay! Alam mo po ba, iba yung tinginan nila ng mga kaibigan niya kapag dumadaan ako. Malaki ang pag-asa ko, nay! Ramdam ko."

"Anong malaki ang pag-asa?"

Napasapo ako sa noo ko. Naku naman. Ngayon pa dumating ang panirang 'to.

"Wag kang maniwala dyan, nay. Hindi yan pinapansin nung nililigawan niya. Hindi na niya madadala yun dito."

"Anong hindi? Ano!" Hamon ko sa kuya ko. Masyado akong minamaliit, eh.

"Tama na yan. Pumasok ka na at baka ma-late ka pa," pag-awat sa'min ni nanay.

"Isang daan," sabi ni kuya na parang walang narinig.

"Kahit isang libo pa. Ano?" pagyayabang ko pa. Hindi naman yan papayag.

"Sige." Patay. Ba't pumayag? "Siguraduhin mo lang na may isang libo ka pag nabasted ka, ah." Ngumisi pa siya. "Basted ka na nga, magbabayad ka pa. Saklap nun 'tol. Tara na nay."

Inakbayan niya si nanay at lumabas na sila sa kwarto.

"Ikaw ang magbabayad! Akala mo ha!" sigaw ko. "Tingnan mo lang. Maipapanalo ko siya. Sasagutin niya rin ako!"

~*~

Pagdating ko sa school, naghintay agad ako sa table. Tiningnan ko kung nasa classroom na siya pero wala.

He And His EffortsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon