Ikalabintatlong Kabanata
~*~
Pagdating ko sa school, nakita ko na agad si Arvie na nakaupo sa upuan niya. Wala lang sa'kin. Basta ako naglakad palapit pero napansin ko bigla na tulala siya kaya naman...
"Arvie!" panggugulat ko na ikinataas ng balikat niya at halatang gulat na gulat talaga. Umupo ako sa tabi niya. "Good morning."
"Ano ka ba naman. Ginulat mo naman ako." Nanibago ako kasi usually sisigaw na yan. Pero ngayon, yung boses niya, ang hina.
"Ba't ka nakatulala? At yang itsura mo..."
Tiningnan niya ako. Yung tingin na parang malungkot na malungkot na may kasamang pagkabalisa. "May boyfriend na ako, Adrian."
Ano? Nagloading sandali ang utak ko. Nang makuha ko ang ibig niya sabihin, napagdikit ko ang labi ko kasi muntik na akong mapahalakhak agad. So ako ang iniisip niya? Yung confession ko? Ang aga-aga ito agad ang ibubungad niya? Hindi ko na nga naiisip.
"Hindi 'to pwede." Nakatungong sabi niya. "Sorry."
Ba't ang seryoso nito?
"Teka, teka." Inihara ko pa ang kamay ko sa harap niya. Tumingin naman siya sa'kin. "Ba't ang seryoso mo?"
"Sorry talaga. Alam mo naman na---"
Natigil siya sa pagsasalita dahil humalakhak na ako. Yung sobrang lakas na mapapalingon talaga lahat ng nasa loob ng classroom. Hindi ko na kasi napigilan.
"Anong nakakatawa?" kunot-noong tanong niya.
Patuloy pa rin ako sa pagtawa. Hawak ko na ang tiyan ko at nakatayo na ako sa harap niya.
"Hoy! Anong nakakatawa sa sinabi ko, Adrian!"
"Eh kasi..." Tumatawa pa rin ako pero pahupa na. "Naniwala ka talagang..." Tumawa na naman ako nang malakas. "...gusto kita?"
"Walangya ka!" At hinampas niya ako ng isang malakas na hampas na halos mapikon ako. Ang sakit ha. Parang binigay niya ang buong lakas niya.
"Aray naman!"
Siya naman ang natawa sa reaksyon ko. "Eh kasi naman... bwist ka ah! Joke lang yun? Joke lang? Alam mo bang... Wag na nga lang! Eh yung..." Hinila na niya ako palapit sa kanya at bumulong na lang sa tainga ko, "yung pustahan? Yung kay Margarette?"
Lumapit ako sa tainga niya at bumulong din, "Yung pustahan, oo. Pero yung pinaglalaruan ko si Margarette? Never." Ipinagdiinan ko talaga yung salitang never.
Huminga siya ng maluwag. Yung hingang OA at pinakita talaga na sobrang gaan na ng pakiramdam niya. With matching himas pa ng dibdib. "Mabuti naman."
"Pero aminin mong naapektuhan ka sa sinabi ko, aw!" Nanghampas na naman.
"Hindi! Hindi! 'Wag kang ano! Nag-alala lang ako na masasaktan kita. Pero yung bilis ng tibok ng puso? Yung hindi makatulog? Walang ganun! 'Wag kang umasa!"
"Wala naman akong sinabi. Ni hindi ko nga naiisip yang mga yan. Ikaw ang defensive dyan."
"Labs..." Sabay kaming napatingin ni Arvie sa kararating lang na si John Ric. Tiningnan niya si Arvie na parang sinasabing, 'di ba sabi ko 'wag kang nakikipag-usap sa kanya?' Yung halatang naiinis dahil hindi sinunod yung gusto niya.
Yung kaninang light na mood sa pagitan namin ni Arvie ay napalitan ng tensyon.
"Um, labs...good morning." Halatang tensyonado si Arvie pero pinipilit na ngumiti at pasayahin ang tono.
BINABASA MO ANG
He And His Efforts
HorrorDoes hard work always pay off? Kapag ba nag-effort ka sa isang tao with your everything, magagawa ka din niyang suklian balang araw?