Huling Kabanata

95 3 5
                                    

Huling Kabanata

~*~

May mga bagay na pinangarap mo pero hindi mo nakuha. Mga bagay na gustung-gusto mo at pinaghirapan mo pero sa huli naging malupit pa rin ang tadhana. Ginawa mo ang lahat pero hindi pa rin naging sapat. Sa huli, nasaktan ka niya at nasaktan mo siya ng higit sa dapat.

"Mamimiss mo siya, 'no?" Mabilis na napabaling ang tingin ko kay Arvie na ngayon ay nasa tabi ko na pala.

"H-ha?"

"Si Margarette. 'Wag kang magmamaang-maangan kasi kitang-kita ko na nakatitig ka na naman sa kanya."

"Vie..."

Umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian ako. "No worries. Hindi naman ako selosa. Pwede kang tumingin sa kahit sinong babae basta yung puso mo akin lang."

...basta yung puso mo akin lang.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. Sana hindi niya nahalata na nagkaroon ng pag-aalinlangan ang ngiting yun. Inakbayan ko siya at masuyong sinabi, "I love you."

Tiningnan niya ako ng ilang segundo at saka siya dahan-dahang ngumiti pero ngiting hindi umabot sa mata. Ito ang unang pagkakataon na hindi niya sinagot ang I love you ko. Hinawakan niya nang mas mahigpit ang kamay ko. Mayamaya lang, bigla niyang itinaas ang braso niya at niyakap ako.

"Graduation na natin bukas," sabi niya habang nakayakap pa rin sa'kin. "Malapit na tayong maghiwalay."

"Hindi mangyayari yan. Kahit saan ka magpunta, kahit saang school ka mag-aral, susundan---"

"Ayoko." Tinanggal niya ang pagkakayakap niya sa'kin. Nakita ko na ulit ang mukha niya. Umiling-iling siya. "Ayoko, Adrian."

"Bakit hindi?"

"Bakit ba?" biro niya. Yung usual na masayahin niyang boses.

"Vie, seryoso nga ako."

"Bakit ba gusto mo 'kong makasama?"

"Kasi mahal kita." Mabilis ang naging pagsagot ko. Ayokong magkaroon siya ng kahit konting pag-aalinlangan sa nararamdaman ko. Ayokong isipin niya na hindi ko siya minahal. Ayokong isipin niya na hanggang ngayon panakip-butas pa rin siya dahil...

Hindi ba, Adrian? Hindi nga ba?

"Salamat." Umiwas siya ng tingin dahil namasa ang mata niya.

"Vie, tumingin ka sa'kin."

"Ayoko nga!"

"Arvie." Hindi pa rin siya tumingin. Nakalayo ang ulo siya sa'kin at nakatingin sa kabilang direksyon kaya ang ginawa ko, hinawakan ko ang ulo niya at kahit nagpupumiglas pa siya, pinilit kong makita ang mukha niya. Hindi ko siya naiharap sa'kin kaya ako ang tumayo at pumunta kung saan siya nakatingin.

At umiiyak siya.

"Vie... Bakit ka umiiyak?" May kung anong tumusok sa puso ko. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Ayoko siyang nasasaktan.

"Bi, bitiwan mo ang mukha ko."

"Hindi. Sabihin mo sa'kin, bakit ka umiiyak?"

Mas lalo siyang naiyak. Walang sound at pilit niyang pinipigilan pero natatalo pa rin siya. Hindi na siya makapagsalita dahil alam kong naninikip na ang dibdib niya.

"Vie..." Nanginginig ang boses na sabi ko. Habang pinagmamasdan ko siya, nadudurog din ako. Hindi ko kaya na nagkakaganito siya. "Tingnan mo 'ko." Namamasa na rin ang mata ko at nagbabago na ang boses ko. "Vie..."

He And His EffortsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon