Masayang naglalakad si Uri sa isang kalye papasok sa kaniyang pinapasukan sa Ayala. Maganda ang sikat ng araw at bigla-bigla ay naumpog na lang siya sa pinto ng gusali. Nabasag ang kaliwang lente ng salamin niya at muli niya itong isinuot. Nakakahiya dahil pinagtinginan pa siya ng mga tao. Pinipilit niya na lang ngumiti na tila walang nangyari.
"Ang ganda na ng entrada ko, nasira pa. Puñeta," bulong niya sa sarili.
Agad siyang pumasok sa elevator nang magbukas ito. Hindi niya alam na kasunod niya pala ang mga taga-IT department. Bigla na lang silang natahimik nang makita si Uri dahil pinagkukuwentuhan nila ito. Nakita kasi nilang naumpog ito kani-kanina lamang. Hinubad niya na lang ang salamin niya at isinilid ito sa bag niya.
Sa sobrang hiya ay napayuko na lang ang kawawang si Uri. Tiningnan niyang muli ang salamin niya dahil nabasag ang isa sa dalawang lente nito. Napabuntong hininga na lang siya at nakarating na siya sa 14th floor. Kasabay niyang lumabas sa elevetor ang IT guys at nagmadali siyang pumunta sa office niya – sa HR office.
"Beh, bakit wala kang salamin ngayon?" agad na tanong ni Marina na kasamahan niya sa trabaho.
"Nabasag kasi kanina dahil sa katangahan ko."
"Ano ba ang nangyari?"
"Pesteng revolving door kasi ng building na 'to e. May lalake kasing palabas nang bigla siyang bumalik. Ako naman 'tong si tanga, tuloy-tuloy lang. Kaya 'yun, naumpog ako sa revolving door at nabasag ang salamin ko."
"Bakla ka kasi. Ingat-ingat din," paalala naman ni Ronald na walang kasinglambot ang boses.
Sakto namang pumasok ang HR Manager nila na si Charles na halatang tumakbo papasok dahil hinihingal pa ito.
"Sir, an'yari naman sa inyo?" tanong ni Marina.
"I was in a meeting and just rushed to the building."
"What was it about?" tanong naman ni Bernadette.
"About the event in three months," tumigil siya sandali at namaiwang, "Guess what."
"Guess what?" tanong ni Uri.
"We need to collaborate ourselves with..." pagbibitin niya.
"Sir, huwag ka nang magpa-suspense pa," angal ni Johnny.
"The IT guys," walang lakas niyang sinabi.
Napabuntong hininga na naman si Uri dahil malamang sa malamang hindi siya tatantanang asarin ng mga lalakeng iyon. May reputasyon kasi ng pam-bu-bully ang mga ito. Pero napaisip na lang siya at hindi magagawa sa kaniya ang mga gano'n dahil sa mataray niyang imahe sa kompanya at dahil nasa HR siya. This is the only time where he can use his ppwer as an HR personnel.
"Anyway, Uri, have you already called for some sponsors?" tanong ni Charles.
"Yes, boss. Good thing is that are also looking for events. Most of them are banks and telecom companies."
"Good. By the way, guys, who's going to talk with those guys?" tanong ni Johnny sa lahat.
Biglang nag-iwasan sila ng tingin sa isa't isa. Umaasa si Uri na hindi siya ang mapili dahil ayaw niyang harapin ang mga ito. Mula sa pagkakalingon niya sa bintana ay napalingat na lang siya sa mga katrabaho niya at... nakatitig ang lahat ng mga ito sa kaniya.
"Guys, please. Don't torture me with this," pagsusumamo ni Uri.
"Uriel, ikaw na ang kumausap sa kanila. If you have plans to suggest, please tell them so. Is that alright?" pakiusap naman ni Bernadette.
"Badette, guys, I don't like these guys. I don't comfortable with them," pagsusumamong muli ni Uri.
"Well, Uri, attract them with your captivating and tantalising green eyes," pang-uuto naman ni
YOU ARE READING
This Guy
General FictionThis guy meets his man in a simple, unexpected way. Is it worth the wait and giving hope for this guy or not?