Ilang araw na ang nakalipas at hindi pa rin maialis ni Uri ang nabasa niya sa script. Wala itong linya o kung anuman. Puro eksena lang amg gagawin nila dahil parang music video pala ang balak na gawin nina Bernadette at Ultrecht. Mas malala pa ang ilang eksena na kailangan nilang maghalikan ni Rupert.
"Bern, beks, sure ka ba sa kissing scenes?" nag-aalangang itinanong ni Uri.
"Beks, ilang araw mo nang tinatanong 'yan. Siyempre naman para may dating ang video natin."
"Pero beks, nasa Pilipinas tayo. Kung nasa Europe tayo, okay lang e."
"Well, it's 2017. Times have changed."
Sumingit naman si Johnny sa usapan.
"Actually, I can sense that we can win this. Pero sa vision ni Ultrecht, he's after the art. Adding all of the perceivable efforts make us too much for the actual event."
"Pansin ko nga rin. Sabik na sabik na nga siyang i-shoot ang video. Tapos This Girl daw ang gagamiting kanta. And yes, we're about to produce something that is artful and controversial."
"He's really up to something. Well, I have seen his vlogs and I'm really impressed," wika pa ni Marina.
"Vlogger si Ultrecht?"
"Oo! Fan niya na ako since college pa lang ako. Pati nga ang instagram feed niya, ang ganda. Nakakainggit kaya siya," pagbubunyag pa ni Marina.
"So he's been around the web for a long time?" tanong ni Uri.
"Yes, he is. I'm 26 now and he's been doing it for like 8 years now," dagdag pa niya.
"Wow! Walang tapon sa collaboration na 'to," paninigurado ni Bernadette.
Sumingit sa usapan si Uri dahil nagdadalawang-isip pa rin siya sa kissing scene.
"Guys, should I do it?"
"What? The kissing scene?" tanong ni Johnny.
"Yeah."
"Beks, you should do it."
"Oo nga naman. Basta, we got you."
Nakita niya na papasok sa office si Rupert at mukhang nabigla pa rin sa nakita sa script. Simula no'ng una silang kumain sa labas ay ngayon pa lang iyon mauulit, at mukhang hindi maganda ang mood nito. Natameme ang lahat nang pumasok si Rupert at nakatingin ito nang deretso kay Uri.
"Uri," tila may lakas nitong sinabi, "can we go outside and talk about this?" at inilabas niya ang script.
Patayo na sana si Uri nang biglang sumali sa eksena si Bernadette.
"If you will kill him over this, it won't happen."
"Don't be so overreacting, Bern. We'll just talk about this – if we will drop the kissing scene or not."
Napasingap ang lahat nang marinig iyon at bumulong na lang si Johnny kay Uri.
"Beks, don't drop the kissing scene."
Tumayo na lang si Uri at tumingin sa orasan.
"A las doce na pala. Let's eat outside and talk about this."
Kinuha na lang ni Uri ang bag niya at saka sumabay kay Rupert palabas sa building. Doon ulit sila kumain sa huli nilang kinainan.
"I'm doing it," wika ni Uri.
"I'm doing it, too."
Napanganga na lang si Uri dahil pumayag si Rupert.
"Here's the thing, Rupert."
YOU ARE READING
This Guy
General FictionThis guy meets his man in a simple, unexpected way. Is it worth the wait and giving hope for this guy or not?