Lumipas ulit ang isang linggo at Sabado na naman. Nag-umpisa ang shooting day nila sa bahay ni Logan. Si Uriel lang ang nag-aayos sa sarili niya. Hindi naman siya palagamit ng makeup. Siya na rin ang nag-aayos kay Rupert. Pinagtitinginan na silang dalawa ng mga kasama nila ngayon. Iba kasi ang chemistry nilang dalawa.
"Alam mo, kapag walang alam ang mga tungkol sa dalawang ito, iisipin na magjowa sila," bulong ni Johnny kay Ultrecht.
"Kaya nga sila ang best fit sa video na 'to. Sila lang ang makikitaan mo ng chemistry on and off of the camera," tugon naman ni Ultrecht.
Pumasok na si Bernadette sa kuwarto at natigilan na lang siya sa nakita. Nakatungtong na kasi sa upuan si Uri at inaayos nito ang buhok ni Rupert. Tumili na lang ito bigla at nagulat si Uri kaya naman napatalon ito at muntikan nang bumagsak sa sahig. Sinalo naman siya ni Rupert.
Nagkatitigan na lang ang dalawa at nagpasalamat si Uri. Niyakap niya na lang si Rupert at ibinaba siya nito. Habang nangyayari iyon ay titig na titig naman sa kanila ang lahat.
"Guys, we're done," wika ni Uri.
"Okay," ani Ultrecht.
Nagsimula sila sa parte na nag-aayos si Uri sa harap ng salamin. Ganoon din naman ang kay Rupert, at ginawa iyon sa ibang kuwarto. Kunwaring nag-aayos sila ng mga sarili sa unang eksena.
Matapos iyon ay nagtungo naman sila sa isang central business district kung saan nakahingi na rin ng permiso na makapag-shoot ng video sina Logan at Ultrecht. Sina Johnny at ang isang intern mula sa IT department ang kasa-kasama ni Bernadette sa pagsasabi kay Ultrecht kung ano ang gagawin ng dalawa.
"So, Ultrecht, ito na ang scene na gagawin nila. Uunahin natin ang scene na magkahawak ang mga kamay nila habang naglalakad," pagapaliwanag ni Johnny.
"What's next?" tanong ni Ultrecht sa kanila.
"Bale ang susunod ay parang nag-e-enjoy sila sa isa't isa. So we are suggesting that Rupert should life Uri at his back and Uri hugs Rupert," suhestyon naman ni Bernadette.
"After which, kailangan ibinaba na ni Sir Rupert si Sir Uri at magkahawak ulit sila ng kamay. Tapos we need Sir Logan as cameo for that guy na nilingon ni Sir Uri tapos nahuli ni Sir Rupert," dagdag pa ng IT intern na si Rouela.
Natulala na lang si Ultrecht sa kanilang tatlo at tinapik siya ni Bernadette.
"Ano na, Ultrecht?" tanong ni Johnny sa kaniya.
"You guys are amazing!" pasigaw na sinabi ni Ultrecht. Hanggang sa nagsalita na naman itong muli, "Paano naman 'yung seconds na blangko galing sa bahay kanina?"
Doon na natahimik ang tatlo. Binasa ulit ni Bernadette ang script at saka naisip niya na lang na gumawa ng scene na parang naglalakad sila sa isang park.
"Sige, titingnan ko kung magiging maganda 'yan," iyon na lang ang sinabi niya sa kanila.
Matapos iyon ay nagsimula na ulit silang mag-shoot. Doon na rin pinagawa ni Ultrecht ang unang kissing scene ng dalawa.
"Uri, Rupert, you need to kiss while laying down on the grass. Is that okay to do it now?"
"Yes!" sabay nilang sagot.
Sinimulan na nilang i-shoot iyon at nagulat silang lahat dahil hindi na pinaulit pa iyon ni Ultrecht. Matapos iyon ay sinunod na nila ang ibang scenes at natapos na sila.
"That's a wrap for today! Guys, let me remind you that we will go to Pampanga for the Air Balloon Festival and we will continue the half of the video shooting there," pagpapaaalala sa kanila ni Ultrecht.
YOU ARE READING
This Guy
General FictionThis guy meets his man in a simple, unexpected way. Is it worth the wait and giving hope for this guy or not?