Chapter Fifteen: Reveal

192 8 5
                                    


Saturday, 5PM, Outdoor Terrace of Lala and Nadine's Compound

"Bakit theater org ang napili niyong salihan e sa lahat ng iba't ibang klaseng orgs?" Lala asked.

"Sinong unang sasagot?" I asked while pointing between me or Marco.

"Ikaw na James." Inca replied.

"Deadly ito ha! Open ended question pa talaga, Lala!" Myla smiled and looked at me. "Tagalog ah!"

I took a deep breath first. "Gusto ko kasi umarte. Gusto ko rin kumanta at sumayaw. Noong highschool ako, palagi akong umaarte---sa klase, sa mga dula, lahat aartehan ko. Kilala ng nanay ko yung nanay ni Kuya Miguel kaya nung sinabi niya na naghahanap si Kuya ng mga gustong sumali sa grupo niya, pumunta na ako agad at nagpakilala sa kaniya. Nagustuhan naman niya ako kaya ayun, nagkasundo kami. Tapos, sinama na niya ako sa produksyon na "Enemy of the People"."

"And do you like it so far?" Inca asked.

"Teka, bakit hindi sumagot si Marco sa tanong ni Lala?" I questioned.

"O sige Marco, anong sagot mo sa tanong ni Lala?" Inca looked at Marco who was smiling from ear to ear.

"Ako na ba?" Marco paused. "Sige. Pinili ko ang teatro dahil nung una gusto kong samahan si James. Hindi ako katulad niya na mahilig umarte, kumanta o sumayaw pero gusto ko yung pagiilaw at pagaayos ng tunog sa isang dula. Mas gusto ko yung hindi ako nakikita sa entablado, kasi may pagkamisteryoso yung dating." Marco answered. "Tsaka masaya ang samahan sa teatro. Mas nagiging malapit kayo sa isa't isa, sa hirap man o ginhawa."

"Thank you for that wonderful answer, Marco. Now back to Inca's question." Lala winked. "James?"

"Hay nako! Pinagkakaisahan niyo talaga ako!" I exclaimed. "Ang daya ha!"

"Hindi ito madaya. Dare ito kaya tinutuloy lang namin yung napagusapan." Inca assured. "Right guys?"

"Tama!" Marco replied. "Bilis! Sagutin mo na yung tanong ni Inca."

"So, do you like your org so far?" Inca repeated her question.

I took a sip from my beer before answering her. "Oo. Masaya naman sa grupo. Marami akong nagiging kaibigan dahil sa teatro. Hindi madali, pero hinahanap hanap ko na ito palagi. Sa totoo lang, nakakaadik siya! Ang gaan ng pakiramdam ko kapag nagtratrabaho ako sa teatro."

"Nakssssss nakakaadik pala ah! Magaan ang feeling?" Marco nudged me from the side. "Eh baka kasi inspired ka lang..."

"Inspired? Bakit inspired?" Myla's face registered curiosity.

"Ang mas magandang tanong, sino ba yan o ano?" Lala added as she placed another batch of isaw sticks on the grill.

"Masaya lang ako araw-araw!" I protested. "Hindi ba pwedeng maging masaya? Ayoko kaya na malungkot ang araw ko." I leaned on the bench and folded my arms. "Lahat naman tayo may karapatan maging inspirado diba?"

"INSPIRADO?" Inca repeated. "Inspired ba dapat yun?"

I laughed. "Siguro. Inspirado."

"Sige. Sino naman ang inspirasyon mo?" Lala asked. "Si Marco muna..."

"Madali lang yan. Siyempre ang mga magulang ko. Sila ang inspirasyon ko-sa ngayon. Wala pa kasi akong kasintahan. Pero baka kung may makilala na ako ngayong taon, eh baka siya na rin." Marco replied. "Nagiiba iba naman ang inspirasyon. Minsan tao, minsan bagay, pero madalas tao."

"E ikaw James, sino o ano ang inspirasyon mo?" Myla asked.

"Pamilya. Kaibigan." I answered. "Parang lahat naman ng nasa paligid ko inspirasyon ko." I added. It was true. I usually am inspired and ignited by the environment, there's no question about that.

Salt & Pepper [A JaDine FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon