Chapter 4- Lunch date in the office

78 3 0
                                    

Marga’s POV

Excited na excited na ako. Ipinagluto ko si Drei ng lunch gaya ng napag-usapan namin. Nagluto ako ng chicken caldereta saka vegetable salad. Dadaan na rin ako sa bakeshop para sa slices ng cake.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa building nila,sinalubong na kaagad ako ni Jed.

“Oh, sister- in- law, anong ginagawa mo dito?” sabay beso sa akin.

“Dadalhan ko lang si Drei ng lunch, Kuya. Gusto mo bang sumabay sa amin?” pag-aaya ko. Baka kasi sabihin na rude ako.

“No, no. Hindi na. Baka maistorbo ko pa yung “lunch date” niyo. I’ll go ahead. Bye bye sister-in-law.” pagpapaalam ni Kuya Jed sakin.

“Ah, ganun ba? Hehe. Sige, sige. Ingat ka.” bumeso  ulet ako sa kanya at kumaway habang sumasakay siya sa elevator.

(Inside his office)

“Hi, Joan. Si Drei ba nasa loob?” tinanong ko muna sa sekretarya niya. Baka naman kasi may ka meeting sa loob eh.

“Ay, Good Afternoon po, Ms. Marga. Opo. Kanina pa po kayo hinihintay. Pasok na po kayo.” magalang na sagot ng sekretarya ni Drei. Sa lahat talaga ng naging sekeretarya niya, si Joan ang pinakapabrito ko. Bukod sa magalang, may asawa na. Kaya feeling ko, safe siya dito. Hahaha.

Pumasok na ako sa loob. Naabutan ko si Drei na nakapikit habang minamasahe ang noo niya. Nakakaawa naman itong asawa ko. Pagod na pagod na kakatrabaho.

“Napapagod na ba ang baby ko?” paglalambing ko sa kanya na siya namang ikinagulat niya.

“Hon! Nandyan ka na pala? Lika dito.” agad naman siyang tumayo para salubungin ako.

“Hi, babe. Pagod na pagod ka na naman. Sabi naman sa’yo e. Pahinga muna.” sabay kiss sa kanya. HIHIHI. J

“Eh nandito ka naman na e. Nawala na ang pagod ko.” paglalambing niya sa akin na ikinapula ng pisngi ko.

“Asuuus. Tara na nga kain na tayo.” pag aaya ko sa kanya kasi baka kung saan pa kami mauwi nito. Hinila ko siya papunta sa coffee table dito sa office niya.

“So, what do we have here?” sabi ni Drei habang nginunguso yung paperbag na dala dala ko.

“Hulaan moooo. Joke. Chicken Caldereta saka vegetable salad. Bumili din ako ng Mango Cheesecake. Kain na tayo?” sabi ko habang nilalabas yung mga niluto ko.

“Hmmm. Ang sarap nga. At ang bango bango *sniff* *sniff* =*_*= Kyaaa. Kinikilig na naman ako. Paano kasi itong lalaking ito. Inaamoy amoy yung leeg ko.

“Ay. Ay. T-tama n-na nga. Hindi ako pagkain kaya wag mo akong kainin. Hmmp. Bad ka.” kunya- kunyari pang hindi ako natutuwa e.

“Tss. Sige na nga.” Nabitin? Haha.

Kumain na kami ng matiwasay. Pero syempre, hindi naiwasan ang kapilyuhan ng lalaking ito.

Lord, ano bang ginawa ko at ibinigay mo sa akin ang lalaking ito? Hmm. Full package. Yum yum yum. LOLjk. Ah basta. Kapag ganito ang lagi mong makikita, kagigising mo pa lang, buo na ang araw mo.

Tapos na kami kumain ni Andrei. Ang asawa ko, naglalambing na naman.

“Baby, wag ka munang umuwi. Please?” naku naku. Nagpapa cute na naman po.

“Ihh. Ang baho baho ko na eh. Amo’y usok na ako. Paano ba naman, puro pollution nasagap ko kanina.” pagrereklamo ko.

“Mabaho? Parang hindi naman eh. Paamoy nga.” Inaamoy na naman niya yung leeg ko.

“Woooops. Tama na. Aalis na ako. Good boy ka dito ha. Naku, pag ikaw nambabae.” pagbabanta ko.

“Ano? Papatayin mo ako?” Hindi. Diyan siya nagkakamali.

“Hindi. Masyado kitang mahal para patayin kita. Ako. Ako ang magpapamatay.” nagulat naman siya sa banta ko.

“Hmmm. Wag, baby. Di pwede. Bad yun.” sabi niya habang nakayakap sa akin.

“Edi, dapat maging good boy ka, Hon.” sweet na sabi ko sa kanya.

“Good boy naman po ako, diba? *mwah**mwah*. Saka kapag nagpakamatay ka, susunod ako kasi di ko kayang malayo sa’yo. *wink* Aba’t pinaandaran na naman ako.

“ Nako, nako. Langgam alert. Baby, aalis na ako. Uwi ka maaga ha. I love you.” Tumayo na ako kasi konting lambing na lang, bibigay na talaga ako.

“Aww. Di talaga umubra yung pagpapacute ko? Haha. Sige, mag ingat ka. Mahal na mahal kita.” sabay halik sa akin sa labi.

“Bye, Hon. I gotta go now.Yes. I’ll take care because you love me.” Pangangako ko sa kanya.

“Hahaha. Sige na. Baka hindi pa kita paalisin. Bye, sexy!” Aba’t sumipol pa.

“Che! Bye, perv.” pang iinis ko sa kanya.

“Woooy! Anong perv?” habol pa ni Drei pero nakasakay na ako ng elevator.

Ang saya saya. Feel na feel ko ang pagiging Mrs. Lee. Ano naman kaya gagawin ko next time? Hmmm.

+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+

VOTE. COMMENT. BE A FAN.

Aysus. Sinipag na naman ako. Sana basahin niyo.

@aGirlByTheWindow

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dearest HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon