Chapter 1

10 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa restaurant para mag lunch. Nakahanap na kaya si Elai ng pwede kong maging boyfriend? Saan naman kaya maghahanap yun? Kaloka sana naman marunong pumili yun mga taste pa naman nun sa lalaki hindi ko trip.

"Babe, I know this is so sudden but I want to marry you please say yes."

Ang sweet naman ni kuya sana makatagpo din ako ng ganyang lalaki at in fairness ang gwapo niya.

"B-abe i don't think im ready for marriage im sorry i want to experience other things im so young to get married"

Ay naku ate wag mo ng pakawalan si kuya sayang ang lahi ang gwapo mukha pang mayaman. Kung ako sa iyo ate di na ako magdadalawang isip pakakasalan ko na si kuya.

"Please babe i really love you please marry me"

"Im sorry Sam but like what i have said im not ready for this excuse me i have to go"

"You do realize na pag hindi mo ako pinakasalan wala ka ng babalikan"

Omg too much eavesdropping pero who cares ang intense ng scene nila parang sa movies.

"I do Sam. Thank you for everything take care"

"Just go i dont think you love me enough"

At umalis na si ate ng umiiyak feeling ko naman mahal siya nung babae eh bakit kaya pinipilit niyang magpakasal agad? Di ba siya marunong maghintay?

"Stop staring miss i guess you dont have the right to eavesdrop on us"

"A--ko?"

"Well sino pa ba ikaw lang naman ang malapit sa table namin."

"Im sorry kuya sadyang ang intense lang ng drama nyo eh papasa ng teledrama eh"

"Hindi ako nakikipaglokohan miss so shut up you dont know anything"

Nag walk out na si kuya grabe echusero siya hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan ang lakas kasi ng boses nila eh bakit sa akin sya nagagalit dapat dun sa gf nya. 

Pauwi na ako ng tumawag sa akin si bestfriend Elai. 

"GURLLLA! Meron na akong potential bf mo"

"Omg gurl!! Teka wait! Ok ba naman yang ipapadate mo sa akin? At bakit ang bilis mo makahanap?" Kaloka imagine mag-isang araw pa lang nakahanap na siya agad. Astig!

"Ano ka ba naman wala ka bang tiwala sa taste ko?"

"Oo! Yung first and last bf mo eh player eh"

"Wag mo na ngang pag usapan ang past. Basta itext na lang kita kung saan kayo magdadate. At cousin ko siya gurl kaya alam mo na , na gwapo ang makakaharap mo bukas at i heard kay tita na kakabreak lang nila ng girlfriend niya kaya ikaw hinay hinay lang"

"Ano to? Ako ang magmend ng broken heart niya?"

"Siguro basta bukas mag ayos ka ha! Sige babye na"

"Uy teka!" Binabaan na agad ako nung babaitang yun. Basta i have to prepare for tomorrow makauwi na nga.

Searching for my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon