Chapter 2

6 0 0
                                    

This is it. Kinakabahan ako sino kaya yung makakadate ko sana siya na ang maging boyfriend ko ayaw ko na kasing makipagkilala ulet sana siya na lang. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang text ni Elai  

Elai gurl

Best magkita daw kayo sa Shakey's sa SM at 1pm. Yung sinabi ko sayo ah paganda ka! 

I replied ok. I looked at the watch almost 12 na pala kaya maliligo na ako. Nandito na ako sa meeting place namin ang sabi ni Elai itetext na lang ako ni potential boyfriend. Kinakabahan ako paano pala kung pangit yun? Makapanglait ako wagas eh God sana naman okay tong ipapadate sa akin.

0912345...

First row near the window

Ano ba yan wala man hi or hello. Di bale ok lang yan. Omygosh nakikita ko na sya kaso nakatalikod. Eto na gosh ! Breathe in breathe out. 1,2,3 ...

"Ahmm hello" 

Eto na lilingon na siya 

"Ikaw?" Sabi nya at umupo na ako sa opposite side nya

"Ikaw din?" Magpinsan pala sila ni Elai how come ngayon ko lang nalaman. Note to self kailangan magtanong ako kay Elai.

"Elai must be joking"

"Anong must be joking bakit ano bang sinabi sayo ni Elai?"

"Ang sabi ni Elai maganda daw ang idadate ko eh hindi naman" ouch ha walang hiya tong lalaking to ang kapal ng mukha

"Hoy mister ang yabang mo din anu! Kaya ka siguro iniwan ng gf mo nun! Ang sama kasi ng ugali mo."

"Bawiin mo yang sinabi mo!" Galit na sabi niya pwes hindi ako natatakot sa kanya. Pero i think napabelow the belt ata ang sinabi ko.

"Well i better go i don't want to spend my time with this useless date" as if gusto ko ding makipagdate sa kanya. Umalis na siya at putek ako pa atang magbabayad ng bill niya KAINIS!

Ring ring..

"Hello?"

"GURLLLAA!!!" 

"Ano ba elai ang lakas ng boses mo! Bakit ba?"

"Mamaya na ako mag explain sayo basta magkita tayo" 

"Saan? O sige itext mo na lang kung saan mag-ingat ka!"

Since sa sm lang din kami magkikita ni Elai pumunta na ako sa tinext niyang cafe at dun ko na siya hinintay. Naiinis pa din ako sa antipatikong lalaking pinsan ni Elai kung hindi lang yun broken hearted iisipin ko na ganun talaga ugali nun. 

"Hi gurla" kakadating lang ni Elai at sabay nakipagbeso beso

"Spill"

"About my cousin"

"What about your rude cousin? At bakit nga pala may cousin ka ganun kapogi na di ko man lang nalaman ang existence?"

"Eh? Hindi pala kita nawarningan ganun talaga ugali nun mabait lang yun sa gf niya at family niya. And about sa existence niya hindi ka naman nagtatanung eh" Oh? Kaya naman pala eh unfair naman bakit ganun treatment niya s lahat sa gf niya lang siya mabait? What the heck! At hindi ako nagtatanung kaya di ko alam na pinsan siyang pogi, well may point siya pero kahit na dapat sinabi na niya sa akin noon pa.

"Ganito kasi yun gusto ko mapaibig mo ang cousin ko."

"What?" Mapaibig? Duh! May pusong bato ata yun eh at bukod sa bastos ang sungit pa

"Eh bakit mo ba gustong mapaibig ko yung cousin mo?" Dagdag ko pa

"Para naman hindi na siya malungkot ayaw kong nakikitang nasasaktan ang pinsan kong yun kahit ganun yun siya lang ang pinakaclose ko sa lahat ng cousins ko noh. At pag nagawa mo yun ililibre kita ng trip to Europe." Trip to Europe? not that hindi ko kayang pag ipunan yun kaso libre eh at higit sa lahat pangarap kong makapunta dun eh simula pagkabata eh, ang kaso mapapaibig ko kaya yung mokong na yun.

"Okay sige payag na ako"

"Great. Isipin mo na lang best it's like hitting two birds with one stone may trip ka na sa Europe at baka finally magkaroon ka na ng boyfriend for real." Sabagay may point siya tama gagawin ko lahat para mapaibig ko siya. 

"Pero seriously Jill please gawin mo lahat para mapaibig siya honestly I think kayo na ang magkakatuluyan. Sana magkatotoo ang wish ko. Please do everything to make him happy" Ano kaya ang dahilan at pinipilit ako ni Elai na paibigin tong pinsan niya. Saka na siguro ako magtatanung basta isipin ko muna kung paano ko siya mapapaibig.

"I can't promise to make him love me and make him happy but I'll try my best. "

"Thanks Jill basta come to me pag nagkaproblem ka." 

"Okay best I better get home na."

"Sige take care best."

Hanggang sa makauwi ako iniisip ko pa din ang mga sinabi ni Elai. Siguro iset as goal ko na lang ang Trip to Europe. Tama inspiration ko to kung gusto may paraan. 

Searching for my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon