TOTGA

50 2 0
                                    







Graduating ako nuon sa College. Masaya ako sa pagiging single, kuntento sa mga kaibigan, abala sa pag-aaral. Isa ang buhay kolehiyo sa mga masasayang araw ng aking buhay. Dito ko naranasan ang lahat. Naranasan kong tumawa, umiyak, mag-enjoy, at pati na rin ang umibig. Oo, minsan din akong nagmahal. Kakaibang dulot ang hatid nito sa akin. Sa tuwing kasama ko s'ya, para akong nakalutang sa alapaap. Tila ba ayoko nang magising mula sa isang napakagandang panaginip. Ngunit sa kabila ng isang mahimbing na pagtulog, alam ko na pasasaan pa't magigising din ako para sa isang umaga ; umaga na puno ng pait sa pagkasiphayo.

Alam ko sa simula pa lamang ay nakatali na s'ya sa isang tao. Dalawang taon na ang kanilang relasyon ng dumating ako sa buhay n'ya. Totoo nga ang sabi nila na "Masarap ang
Bawal", ngunit tao lang ako at mahina, dahil d'on natukso ako. Hinayaan kong magpatangay sa agos na pinili ng aking puso. Hindi ko akalaing babaguhin ng isang tawag sa telepono ang masigla kong buhay.

               Kaibigan s'ya ng housemate ko. Nagkakilala sila sa isang bar sa Makati. Mula nuon, madalas na silang mag-usap sa telepono. Lumipas ang ilang linggo, naging abala ang housemate ko sa kanyang trabaho. Ako naman ang madalas na naiiwang mag-isa sa bahay. Nag-ring ang telepono. Nasa kabilang linya ang kaibigan ng housemate ko. As usual, hinanap nya ang kanyang kaibigan. Nagkataong ako lang ang tao sa bahay, Wala raw s'yang makausap kaya minarapat na lang n'ya na makipagkwentuhan sa akin. Nabanggit nya na nakita nya din ako sa bar kung saan sila nagkakilala ng housemate ko, nung gabing iyon. Lagi naman din kaming mahkasama ni housemate lumabas. Aminado s'ya na nayayabangan s'ya sa asta ko. Kesyo masyado akong stiff, suplado, basta puro lait ang napala ko. Napaka straight-forward nya. Naiinis ako  pero likas sa akin ang hindi pagiging pikon, isa pa, opinyon naman n'ya 'yon. Tawa na lang ang tangi kong isinukli sa mga pang-aasar n'ya. Naisip ko rin na mukhang kailangan lang n'ya talaga ng kausap.

Napadalas ang tawag nya. Napadalas din ang asaran namin sa telepono. Masaya naman pala s'yang kausap. Marami s'yang alam sa mga bagay-bagay, halos hindi kami maubusan ng topic. Naikwento rin n'ya na may karelasyon s'ya na mas may eded sa kanya. 26 sya at 38 naman ang boyfriend nya. Matagal na rin sila ngunit malimit itong umalis ng bansa para sa trabaho. Isa kasing Physical therapist ang boyfriend nya. Nagpatuloy ang ganoong mga pag-uusap hanggang sa mag-aya s'ya na lumabas kami para mas makapag kwentuhan pa. Nang mga panahong iyon, wala naman akong nararamdamang espesyal para sa kanya. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya; kakulitan, kaututang-dila. Wala, as in wala. Oo, gwapo sya, matangkad, matalino, pero mapang asar nga lang talaga. Kung iisipin, nahahawig sya kay Dingdong Dantes. Hindi naman ganun kalaki ang katawan ny, tama lang sa 6ft nyang height. Oo, 6footer sya, 5'8 lang naman ako.

Nagtuloy-tuloy ang usap, text, pati ang paglabas namin. Nakilala ko rin ang iba n'yang kaibigan. Sa tuwing lumalabas kami, mas lalo kaming naging close. Wala naman kaming nakikitang malisya sa ginagawa namin. Nagsimula lang talagang mabuo ang pag kakaibigan. Siguro , hindi lang kami vocal pero sabihin na nating gusto namin ang isa't-isa, pero since alam naman namin na hindi pwede dahil may kasalukuyan syang boyfriend, wala nga lang madalas dito. Hanggang sa hindi namin namalayan na nahuhulog na pala kami sa isa't-isa. Mula nuon, ako na ang hinahanap n'ya tuwing tumatawag s'ya sa bahay. Hindi naman binigyan ng kahulugan ng housemate ko ang pagiging close namin dahil sa isang banda, alam n'ya na palakaibigan talaga ako. Alam din nya na may committed na yung isa. At higit sa lahat, hindi rin naman talaga s'ya interesado sa kaibigan nya. Dumating ang mga araw na dumadalaw na s'ya sa bahay para bumisita, makipag kwentuhan, makipag-inuman. Excited ako sa tuwing pupunta s'ya. Hindi ko maipaliwanag pero talagang gusto kong lagi syang kasama. Naghahanda pa ako ng pagkain para sa kanya, twing pupunta sya, lagi din naman syang may dala na kahit ano para sa akin. Sa mga ganoong pangyayari, tila tikom naman ang aming mga sarili namin sa tunay na nararamdaman. Hinayaan lang namin na ang aming mga kilos at galaw ang magsabing "Mahal kita".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIRAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon