Hindi ako nag kakamali sya yung lalaking nakita ko sa library pero anong ginagawa nya dito? Hmm Biglang lumapit sakin si mama.
"Anak ito nga pala si tita lyn mo, mag bestfriend kami since high school kaya nga lang pag ka graduate nya ng high school tumira na sila sa amerika kaya hindi na kami nag kita" sabi ni mama
"Hi po nice meeting you po :)" sabi ko habang iniabot ang aking kamay para makipag shake hands
"Hi iha aba ang laki na ng anak mo ah parang mag kasing edad sila nitong anak ko, btw ito nga pala si creighton ang nag iisa kong anak" sabi naman ni tita lyn. Kitang kita ko sa kanya ang walang expression na muka.
"Ikaw yung babaeng nadapa kanina sa library diba?" Sabi nya nakakahiya nakasmirk pa sya ano ba yan parang gusto ko ng iburol ang sarili ko dito sa kinauupuan ko sa sobrang hiya huhuhu
"A-ako nga" yan na lang ang nasabi ko hayy ano ba yan
Maya maya nag decide sila mama na kumain na kami ng dinner dito sila creighton kumain kitang kita ko kina mama na sobrang namiss nila ang isat isa. Mga 11 pm na din ng umuwi sila tita. Pumunta na ako sa kwarto ko at nag ayos ng sarili para matulog.
"Makatulog na nga ng maaga para hindi na ako malate" sabi ko sa sarili ko. Nag tatry naman akong matulog pero hindi talaga ako maktulog alas dos na ng umaga hindi pa din ako makatulog kakaisip kay creighton hindi ko naman sya gusto o ano pero ughhh hindi ko alam.
Mga bandang alas kwatro na ako nakatulog, sobrang sakit ng ulo ng gisingin ako ni mama. Kumilos agad ako at nung paalis na ako ng bahay may tumigil na SUV sa tapat ng bahay namin sobrang nagulat ako.
"Creighton?" Sya agad nakita ko pag ka baba ng bintana ng sasakyan nila
"Sumabay ka na daw sakin sabi ni mommy sabi daw kasi ni tita hindi ka nya maihahatid" sabi ni creighton. Hindi ko maiwasang mapangiti jusko dapat hindi nya makitang nakangiti ako kundi baka isipin nyang kinikilig ako
Nang makarating na kami sa school pag babang baba namin may mga nag bubulungan nanaman ano ba inaraw araw na
"Bakit mag kasabay sila?"
"Sila na ba"
"Ginayuma nya lang si creighton"Biglang napantig ang tenga ko sa ginayumang part kaya lumapit ako sa kanila
"Anong ginayumang pinagsasasabi nyo jan! Mga tsismosa kung ako sa inyo papasok na ako kesa tsumismis ng tsumismis!" Galit na sabi ko ewan ko ba sobrang apektado ko hayyy hindi ko napansin na nakaalis na pala si creighton baka pumasok na sya. Kaya nag decide na lang din akong pumasok na
Sa room
"Uy cass! Bakit hindi ka namin naabutan sa bahay nyo kanina? Usapan natin mag kakasabay tayo ah" sabi ni vien. Oo nga pala nakalimutan ko pano kasi isinabay na ako ni creighton
"Ah eh kasi nauna na ako nakalimutan ko kasi" pag dadahilan ko na lang
Nag simula na ang klase sobrang inaantok na ako tatlong oras ng nakaganito lang kami ano ba yan baka makatulog ako, maya maya may biglang kumatok at nag excuse
"Excuse sir, excuse ko lang po si Cassandra Villeanueva" yung boses na yun sobrang pamilyar si si si creighton
"Oh ms Villeanueva ineexcuse ka" sabi ni sir. Habang palabas kita yung mga kaklase kong ang mga itsura ay parang nangaasar pano ba naman minsan lang may section A na kumausap sa section namin.
"Oh bakit? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko
"Iaabot ko lang yung wallet mo nakalimutan mo sa kotse kanina" sabi nya
"Ay ay salamat" sabi ko nakakahiya nakalimutan ko pa talaga nakisabay na nga lang ako
"Thank you po sir" sabi ni Creighton kay sir at umalis na
"Close pala kayo ni Creighton? Yieee talagang yung top 1 pa sa buong university ha" pang aasar ni belle
Top 1? So matalino talaga si Creighton? Nakakahiya kaya pala ganun ganun na lang sinasabi nila sakin. Pero sa muka ni creighton feeling ko sobrang sungit nya hindi namamansin dahil pag nakikita ko yung ibang babaeng lumalapit sa kanya parang gusto nya agad umalis sa pwesto nya hayy ang gulo
Creighton's POV
Hindi mawala sa isip ko yung babaeng nadapa sa library tapos napag alamanan ko pang anak pala sya ng bestfriend ng mommy ko. Ano bang meron sayo cass? At ganyan na lang epekto mo sakin? Ngayon lang ako naging ganito pero ano bakit ganito?
"Creighton, sabay tayong mag lunch mamaya" sabi ni kristel kaklase ko
"Hindi sya sayo sasabay kasi sakin sya sasabay diba creighton?" Sabi naman nung kaibigan nya ano ba yan ni hindi manlang sila mag intay na ako mag yaya nako nako.
"Ah may kasabay na kasi ako eh" sabi ko na lang kahit wala naman
Sa canteen
Habang nag hahanap ako ng mauupuan may isang babaeng kaway ng kaway ng mapansin ko si cass pala
"Creighton dito ka na umupo kita mo naman wala ng pwesto sa iba" sabi ni cass grabe sobrang cute ng boses nya
"Ah eh sige dito na lang" yan na lang nasabi ko
Habang kumakain kami kitang kita ko sa kanya ang pagiging madaldal at pagiging childish, sobrang kalat pang kumain mukang hindi fourth year highschool. Oo fourth year na kami bago lang sya dito sa school na to sabi sakin ni mommy.
"Uy nabalitaan mo na ba? Wala tayong class ngayong hapon kasi may university meeting" sabi nya habang puning puno pa ng pag kain ang bibig nga hehehe
"Ah ganun ba? Ayos yan makakauwi agad, teka may sundo ka ba?" Ano ba creighton bakit bigla mo na lang yang natanong?
"Ayy sabi ni mama susubukan nya daw akong masundo wag kang mag alala may susundo naman sakin" sabi nya
Maya maya habang nakasakay ako sa SUV namin
"Kuya maya maya tayo umalis" sabi ko kay kuyang driver kita ko kasi si cass nag iintay ng sundo eh baka walang dumating isasabay ko na
Dumaan ang ilang oras wala pa din kaya nagdecide na akong bumaba
"Sabay ka na sakin" sabi ko sa kanya
"Hala nakakahiya! Wag na kaya ko namang mag byahe kung hindi ako masusundo" sabi nya
"Hindi na sakin ka na sumabay tara na" sabi ko at hinawakan ang braso nya para sumama sakin
"Ah eh sige" sabi nya na lang
Habang nasa byahe may tumawag sa kanya
"Hello ma, ah ganun po ba? Eh saan po kayo nyan? PO???!!! hala nakakahiya naman po, hello ma ma hello!!" Sabi nya na lang
"Oh anong sabi ni tita?" Tanong ko
"Aalis daw sila ni papa, at at at..." hindi nya matuloy sasabihin nyan
"At ano?" Pag tataka ko
"At sumama daw muna sayo" sabi nya habang nahihiya ang cute talaga nya
"O anong problema? San mo gustong pumunta muna?" Tanong ko
"Ah eh ikaw na ang bahala" hmm san ko kaya sya madala? Mukang gusto nya sa mga cute stuffs
Maya maya napansin kong nakatulog sya sa byahe at nag decide na lang akong dalhin sya sa............
___________________________________
Sana may nag kakagusto sa story na to 😊😊

BINABASA MO ANG
The day i met you, Cassandra
Fiksi RemajaAng storyang ito ay tungkol kay Cassandra Villeanueva na hindi ganun katalinuhan at ni Creighton Mendoza na sobra naman sa talino. Sobrang mag kabaliktaran ngunit ang tadhana kaya ay gumawa ng paraan upang ang kanilang mundo ay magtagpo?