2: The Author

112 24 47
                                    

Page 2: The Author

"To be continued."

Ilang beses na nga bang binalik-balikan ni Arden ang kuwentong iyon simula nang mabasa niya ito?

He doesn't even know why he kept wasting his time staring at those words. Dalawang linggo na ang lumipas simula noon subalit heto at hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang nabasang kuwento sa internet.

"Hey, anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Sandaling pumihit ang kaibigang si Jade sa inuupuan na para bang manghang-mangha sa nakikita. "Akala ko ba tinawagan mo 'ko dahil problemado ka? Na nahihirapan kang magsulat? Tungkol ba 'to kay Kate? Pero parang hindi e. May broken-hearted bang ganyan ka-wagas makangiti?"

Narinig iyon ni Arden subalit hindi niya ito binigyang pansin at ibinalik ang atensyon sa binabasa.

"Why are you even writing? You should have just followed your father's path. You have the looks. Why are you trying to hide yourself behind a pen? Behind your books? You know, you could just easily earn money the way your father did. Form a band and forget about this writing nonsense."

"Bestfriend ba talaga kita?" seryosong tanong niya. Bahagyang nangingiti.

"Of course, I am. Kaya nga kita binibigyan ng advice 'di ba?"

"Seryoso ka? Eh, bakit hindi mo alam na hindi ako marunong kumanta?" Sandaling inilagay ni Arden ang nakasarang kamay sa bibig bago umubo-ubo at biglang sintunadong kumanta ng napakalakas. "I did it... my waaay."

Halos malaglag naman sa kinauupuan ang kaibigang si Jade habang sinisensyasan ang kaibigan na tumigil na sa nakakabulahaw na pag-awit. "Shhh! Baka biglang may bumaril sa'tin dito, umayos ka nga!"

"See?" tatawa-tawang usal niya. Jade was actually Arden's first girlfriend. He met her when they were still in highschool, but then, after a month of having a relationship, they both realized that they are better off as friends.

"Whatever, Den-den. You and I both know you could sing. Nagkukunyari ka lang na hindi ka marunong dahil ayaw na ayaw mong naikukumpara sa Da---"

"Stop it." Pagpuputol niya sa sasabihin ng dalaga bago sumandal sa upuan at sandaling nanahimik. "Anyway, tinawagan kita hindi dahil gusto kong marinig ang sermon mo tungkol sa tatay ko. I called you because of this." Inunat niya ang katawan at inabot ang cellphone sa kaibigang kaharap sa lamesa. Kinakain nito ang binili niyang umuusok pa sa lamig na graham cake.

"What the hell am I gonna do with this?" nakataas kilay na sambit nito habang tinitignan ang tinutukoy sa screen.

"Read it."

"Para saan? Why am I gonna waste my time reading a goddamn wattpad story?"

"Dahil ikaw ang pinaka-honest na taong kakilala ko?" seryosong sabi niya bago nginitian ang kaibigan.

"Anong kinalaman nito roon?"

"Gusto ko lang na ikaw mismo ang magsabi sa'kin na nasa tamang katinuan pa ako. Limang beses ko na kasing binasa ng paulit-ulit ang kuwentong 'yan... Mula kaninang umaga."

__________________

"Ah, shit! This is trash!" diskumpyadong sabi ni Arden matapos itiklop ang grey na laptop na nakapatong sa kanyang personal desk. Sinubukan niya kasi muling bumalik sa pagsusulat subalit pakiramdam niya'y wala talagang patutunguhan ang bawat salitang isinusulat niya.

Panay pa rin ang pressure ng kumpanya sa kanya para makapagsulat muli ng isang libro subalit tila naubos na talaga ang lahat ng inspirasyon niya upang muling makalikha ng isang kuwentong kaya niyang ipagmalaki sa lahat.

Lost For WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon