4: The Decision

84 22 45
                                    

Page 4: The Decision

_____________________________

Nakauwi na siya't lahat mula sa Montella subalit wala pa ring nangyari sa iniwanan niyang kumento. Hindi pa rin nito pinansin iyon at walang kahit anong tanda na papansinin nito iyon kahit kailan.

Dahil na rin sa napapansin na niyang palagi na lamang ino-okupa ng istoryang iyon ang isipan niya mula nang mabasa niya iyon, napag-desisyonan na ni Arden na tuluyang tigilan ang ginagawa niyang paghihintay sa wala. Ni-logout niya na nang tuluyan iyon. Na-realize niyang sinasayang lang naman niya ang panahon niya gayong dapat ay pinagtutuunan niya ng pansin ang sariling problema niya sa kanyang pagsusulat. Ilang buwan na kasi ang lumilipas subalit kahit isang eksena ay hindi pa rin siya makabuo.

Don't get him wrong. He's been trying too hard. Sadyang wala lang talagang kalaman-laman ang mga isinusulat niya kaya't sa huli, siya mismo ang nagre-reject sa mga ideyang iyon.

Ilang buwan pa ang lumipas, gano'n pa rin ang kanyang sitwasyon. Sinubukan namang ibaling ni Arden ang isipan sa ibang mga bagay subalit dumarating pa rin sa puntong naiisip niya ang tungkol sa pagsusulat. Alam niyang 'yon talaga ang gusto niyang gawin subalit mahirap talagang kalabanin ang sariling isipan. Kung ikaw kasi mismo ay hindi nagugustuhan ang isunusulat mo, paano mo aasahang magugustuhan 'yon ng ibang tao? Ng mga makakabasa nito? 'Yon ang pakiramdam na paulit-ulit na nagpapahirap sa isipan ni Arden. He knows he's capable of writing something extraordinary but his mind don't even want to cooperate. It's torture.

Habang mag-isa at hawak-hawak ang cellphone ay hindi sinasadyang napindot ni Arden ang kanyang Wattpad app. Muli, bigla niyang naalala ang tungkol sa kuwentong iyon. Once again, he entered his account.

Bigla siyang nakaramdam nang kung ano nang mapansin ang isang bagong notification. Sa wakas, nag-reply ito sa kanya;

"Oh my god! Hello! Nagulat talaga ako nung nakita kong may nag-comment. Akala ko namamalik mata lang ako. Totoo pala! Wala naman kasing nagbabasa ng story ko na 'to. Maraming salamat sa pagbabasa at sa pagiging unang nakapansin ng kuwentong 'to! Hindi mo alam kung gaano nito napasaya ang araw ko! Salamat ulit!"

Matapos basahin 'yon ay muli niyang sinilip ang kuwento. Tulad noon, wala pa ring nadagdag sa views at votes nito. Wala pa rin itong natatanggap na kumento mula sa ibang tao maliban sa kanya. Arden thought this was funny because he thinks that the book is far superior than most books he have ever read. Even the published ones. Seryoso. He knows that the book deserves attention. Alam niyang napakalaki ng potensyal ng librong iyon kung mabibigyan lamang ng tama at patas na pagkakataon.

Isang linggo na ang lumipas mula nang mai-post ang reply na 'yon sa kanya subalit ni-replyan niya muli ito pabalik. Sa totoo lang, napakarami niyang gustong sabihin at itanong dito subalit maiksi lamang ang ginawa niyang reply; "No problem. Kailan next update?"

Wala pang isang minuto ang lumilipas ay agad na may lumabas sa notification bar ng kanyang cellphone. Ni-replayan siya nito sa pamamagitan ng personal message.

"Hi! Hindi ko pa alam sa ngayon kung kailan ako makapag-a-update pero susubukan ko. Salamat ulit ha. Ikaw lang ang pumasin sa kuwento kong 'yon. I hope we can be friends."

Arden then replied back with a smile painted around his face. She replied back and so on so fourth. Those messages then transformed into conversations. Simula nang puntong yon, araw araw na niyang nakakausap ito. Simula rin nang araw na 'yon, unti-unting nagbalik kay Arden ang pakiramdam na matagal na niyang hinihintay na magbalik.

Nasaan ang ballpen at papel ko?

__________________________


Page 5: The Message

Lost For WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon