Chapter 7

16 4 0
                                    

Chapter 7❤️

Dale's PoV

"Sa kwarto ko."

Pagkasabi ko nun bigla na lang siyang nagulat.Aishh ano bang iniisip ng babaeng to?

"Diba may plano pa tayo??"tanong ko sa kanya at mas lalong nanlaki ang mata niya..

"Ahh-ehh ano bang gagawin natin sa k-kwarto m-mo??"she asked at namumula siya.

"Pag uusapan natin kung pano mahihinto yung kasal."sabi ko at bigla namang luminaw ang mukha niya.

"Ahhh iyun lang pala..Hahahaha o ano pang hinihintay mo.Tara na?"sabi niya.Weirdo.

Umakyat na siya sa taas at isinara ko naman ang front door at sinundan siya sa taas...

"So paano nga natin sila makukumbinsi na mapatigil ang kasal?"tanong niya.

"Ganun mo ba kaayaw sa akin kaya gusto mo matigil kaagad ang kasal.."tanong ko..

"Ahh---ehh diba nga hindi naman natin gusto ang isa't isa tsaka diba mahal mo si Sam--"now I knew it!

"So kilala mo si Sam at alam mong ex ko siya??"tanong ko sa kanya

"Oo,bestfriend ko yung kambal niya diba."sabi niya may point naman siya.

"Maliban dun bakit ayaw mong matuloy ang kasal?"tanong ko ulit

"Duhh??syempre marami akong pangarap noh??tsaka gusto ko maging single so that I can flirt whenever I want."confident na sabi niya."ehh ikaw bakit ayaw mong matuloy ang kasal?"tanong niya sa akin.

"Duhh???"panggagaya ko sa kanya."syempre--ayaw ko lang,actually okay lang sa akin pero tama ka this one will not work a loveless relationship is not good for the both of us.." sabi ko."kaya gusto kong itigil ang kasal."dugtong ko.

"Ehh akala ko kaya gusto mo itigil ang kasal dahil mahal mo si Sam?"sabi niya.

"Oo mahal ko siya pero hindi ako tanga iniwan at ipinagtabuyan niya ako ng hindi man lang lumaban."sabi ko sa kanya at tumango na lang siya.

"So pano natin mapapatigil ang kasal?"tanong niya

"May naisip na akong plano di ko alam kung papayag ka."sabi ko sa kanya.

Yuri's PoV

"May naisip na akong plano di ko alam kung papayag ka."sabi niya sa akin.

"Ano naman ang plano mo?"tanong ko at tinignan kung anong oras na..

8 pm medyo maaga pa para sa gimik.

"Gagawa tayo ng paraan para mainis ang parents mo sa akin at gagawa ka ng paraan para mainis ang parents ko sayo."sabi niya kaya nakinig na lang ako sa sinasabi niya.."Tutal sila naman ang may gustong makasal tayo kaya dapat sila din ang umayaw para ipagpatuloy yun kasi pag inayawan natin yung desisyon nila lalo lang nila tayong i pupush sa isa't isa."mahabang paliwanag niya.

"Sus madali lang pala..ako pa kaya ko yan noh!hahahaha sige na punta na ako sa kwarto ko."sabi ko at lumabas na tinext ko naman kaagad si Shams.

To:Shamara

9 pm meet tayo sa labas ng subdivision.

Ilang minutes lang naka recieve na ako ng message..

From:Shamara

Sure.Em so excited*•*

Hahaha what the?may emoticon talaga..

Pumasok na ako sa kwarto ko at naligo na kaagad.

Unknown FeelingsWhere stories live. Discover now