Chapter 16

12 1 0
                                    

Chapter 16❤️

Yuri's PoV

"Yuri let's talk."sabi ni Dale pagka alis ng prof namin sa last subject.

"Okay mamaya sa bahay."sagot ko at ngumiti para hindi halatang naiilang ako.

"Okay hihintayin kita."sabi niya at umalis bumaling naman ako kay Luke.

"Luke,so kasama ka na sa group namin mag dala ka lang ng gamit for two weeks then kagaya ng ng sabi ni Miss may kasama tayong dalawang heads,actually halos ka edad lang natin sila they're 22."sabi ko

"And their names are??"

"Samantha Villareal and Kai Martinez."sabi ko sa kanya

"Anong oras tayo aalis?"

"July 3 at 5 o'clock in the morning."sabi ko

"Ang aga naman!"reklamo niya at tinawanan ko lang siya.

"So its settled dont be late."sabi ko at tinalikuran na siya dahil uuwi na ako mag uusap pa daw kami ni Dale.

Sumakay na ako sa kotse ko at nag drive pa uwi.

Naabutan ko si Dale sa sala na nakaupo lang at halatang hinihintay ako.

"Anong paguusapan natin?!"kunwaring mataray na tanong ko.

"Naiinis ka pa rin ba sa akin?"tanong niya.

"Huh?!Anong pinagsasasabi mo?!"galit galitang tanong ko.

"Diba sabi mo dati naiinis ka sa akin kasi ayaw kong ipatigil ang kasal,Ngayon pinatigil ko na diba dapat maging mabait ka sa akin at hindi yung sinusungitan mo ako."paliwanag niya.

Oo nga pala...dati oo,gusto oong itigil pero iba na ngayon.Pakyu ka feelings ang bilis mong magbago.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.

"So Yuri diba dapat okay tayo?Kasi eto yung gusto mo?"sabi niya pa

"Eto rin ba yung gusto mo?"matapang na tanong ko.At hindi naman siya sumagot."Siguro Oo kasi kasama mo na ang pinaka mamahal mong Samantha diba?Dapat maging masaya ka na!Dale sabihin mo lang kung ginusto mo rin ito...Dahil kung ito yung gusto mo magiging masaya ako para sayo!"sabi ko pa sa kanya habang pinipigilan ang luha.

"Yuri isang buwan na lang tayong magkasama dito at hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman yang nararamdaman mo."sabi niya na lalong nakapagpagulo sa isip ko.

"Dale hindi mo na kailangan pang malaman ang nararamdaman ko!"sabi ko sa kanya.

"Dahil baka maguilty ka lang pag nalaman mo."sabi ko

"Yuri alam ko na."sabi niya

"Huh???"takang tanong ko

"Lahat simula nung una 4 years ago...sinabi sa akin ni Kai ang relasyon nila ni Sam at kinausap ko si Sam about dun kanina at umamin siya..."naluluhang sabi niya."Yuri sorry ah,kasi ang dami kong ipinangako sayo pero ni isa wala akong tinupad.Ang gago ko Yuri...Hindi ako manhid para hindi malaman yang nararamdaman mo,pero gusto ko pa rin marinig mula sayo,mahal mo ba ako?"tanong niya.

Bwiseeettt siya...bakit napaka straight to the point nitong lalaking toh!!!Takte!!namumula ako dahil sa tanong niya kung kanina naiiyak ako ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko.Wengya..huhuhu.

"Yurika?"tawag niya

"H-huh?"nahihiyang tanong ko

"Yung tanong ko.Sagutinmo"nakangising tanong niya...obvious na nagtatanong pa..

"Akala ko ba alam mo na?."kunwaring tanong ko

"So its a yes."sagot naman niya

"If you say so."sabi ko at nagkibit balikat at pumunta na sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto sinara ko kaagad ang pinto at sumandal doon.Pinakiramdaman ko ang puso ko at ang bilis ng tibok nito.

Dale's PoV

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nangyayari.Aaminin kong medyo masakit pa rin yung malaman ko yung totoo.Pero mas masakit nung nakita ko si Yuri na may kasamang iba.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.Gusto ko ba siya?o Mahal ko na?Hindi ko alam,kaya ang gagawin ko na lang ngayon ay ienjoy itong nararamdaman ko sa kanya.

I don't know what is this feeling toward her.I cant explain it.

One time,I hate her because she's a bully.Second,masyado siyang mataray.Third,I hate the way she flirt.But right now,I dont know if I could still hate her.I dont hate her,I like her in fact but I know deep inside me,there is something more.Is this love?Well if its a yes,I love it.

•~•~•~•~•~•~•~•



Unknown FeelingsWhere stories live. Discover now