Chapter 4

592 7 10
                                    


Emerald Blood's POV

"Let's meet" Caliber texted me. Inaaya niya na ba akong makipag date sakanya? Mygeeee, napapadalas na ang pagte-text sakin ni Calibabe ah. Simula nung gabi na tinext ako ni baby Cali, mas napapadalas na ang pagpunta ko sakanila but as usual, malayo parin ang loob niya sakin. Pero, sanay na naman na ako. Anyways, di ako mawawalan ng pag-asa hanggang sa maging ganap na lalaki na ang Calibabe ko at aamin na siyang crush niya ako.

I was about to reply back when kuya Azure texted me. Oh, eto na talaga ang totoo niyang text hahaha. Aish, this guy.

"Goodmorning Baby, maganda ba gising mo? Can we meet? I have something to say" Azure Lamperouge, ang dakilang lalaki na hindi parin ako tinatantanan. I ignored his text for the nth time and replied to my baby Caliber.

"Sure Calibabes, when? Where? What time?" hehehehe di naman ba halatang excited ako? Naisipan ko kasing magpaka Maria Clara muna eh, ate Duchess paagaw muna ng codename mo ah? You know na, Dalagang Pilipina mode: ON

"Today, 5:00 PM, at ********" Tinext niya sakin ang oras at lugar at kumaripas na ako papuntang CR at maghanda. Jusko po, eh anong oras na oh, baka malate pa ako sa date namin. 10 am na. Gooshh baka magmukha akong dukha kasama siya kapag hindi ako makapag ayos ayos. Abaa dapat magmukha akong Prinsesa kasama ang isang prinsipe oi. First date namin to na siya ang nag aya. I should look good with him. Sa sobrang excited ko, di ko na alam ang una kong gagawin. Kung kakain ba muna ako pero siguro naman kakain kami mamaya no? Pero 5pm pa eh. Maliligo na lang siguro muna ako.

[FAST FORWARD]

Alas 3 na ng hapon at tapos na akong mag ayos. Actually papunta na ako sa mall na pagkikitaan namin ni Calibabes. I texted him with "I'm on my way" para malaman niyang papunta na ako at hindi na siya maghintay pa.

Pagpasok ko ng mall, naglibot libot muna ako kasi 4:15 o'clock pa lang naman. Hindi niya na ako ni-replyan pa. The moment na pagpasok ko sa department store, pumunta ako sa ladies' section at nakita ko si Kuya Azure na prenteng nakaupo sa isang upuan kaharap ng fitting room, is he with someone? Nagtago ako sa rack ng mga damit para hindi niya ako makita. Seryosong nakaharap parin siya sa kanyang phone nang biglang magbukas ang isa sa mga pinto dun at lumabas ang isang babaeng hindi ko kilala at lalong hindi pamilyar sakin na nakasuot ng isang royal blue na flowy na dress. Hmm, maganda naman siya. Not bad. Pero I think that dress would look better on me. Bumalik sa loob ang babae nang biglang lumingon sa direksyon ko si Kuya Azure kaya bigla akong napayuko at itinago ang mukha ko sa bangs at nagkunyaring nagtitingin tingin ng mga damit. Sinilip ko ulit siya at nakita ko siyang nakahawak sa bewang ng babae na bitbit ang dress at pumunta sa counter.

What the freakin' heck am I doing? Am I stalking them both? Ugh. And why is he smiling like an idiot with that hellish girl?

I'm just wastig my time. Inayos ko ang tayo ko at kinompose ulit ang aking napakagandang posture. And speaking of time.... Tiningnan ko ang aking wrist watch at nakitang 4:45 na. Shit. I just wasted 30 freakin' minutes of my time watching them and I think I'm going to be late.

Naku patay na. First date pa lang namin pero matu-turn off na agad si Calibabes sakin kasi na-late ako.

Napabalikwas ako ng takbo papunta sa resto na pagkikitaan namin ni Calibabes. I was running as fast as I can and nang makarating na ako dun, inayos ko na ang sabog kong buhok at tagaktak kong malalamig na pawis bago buksan ang pinto.

Hinanap ko siya at nakita ko siyang nakaupo sa dulong part na nasa table for two. Nakatingin siya da kanyang pulsuhan na may kulay silver at gold na relos.

Naglakad na ako papunta sa direksiyon niya at napatikhim para kunin ang kaniyang atensiyon.

"You are 3 minutes and 21 seconds late" Pabalang na sabi niya habang nakatingin pa din sa relo niya bago mag angat ng tingin sa akin. Ngumiti pa ako para makita niya na nag ayos yalaga ako para sakanya.

Torn Between Two Roses [MHIAMB FAN-FIC]Where stories live. Discover now