Chapter 6

526 10 5
                                    


Eme Blood's POV

Nagising ako mula sa isang mahimbing na pagkakatulog. Puting kisame ang una kong nakita. At napansin kong may lalaking natutulog sa sofa sa loob ng hospital room. I smiled the moment I realized kung sino yun. Dadsy.

May lumabas na tao sa CR kaya napunta doon ang atenssyon ko. Si ate Amber lang pala, bagong ligo at bihis na bihis na.

"OH MY GEE OH MY GEE OH MY GEE. EMERALD GISING KA NA!!" Tili nito kaya biglang napabalikwas ng bangon si dadsy at kumaripas ng punta sakin, naka paa pa siya. I just smiled at him. Parang walang gustong lumabas na salita sa bibig ko.

"Baby, how are you? May masakit ba sayo? Nasaktan ka ba? Okay ka na ba? Wag ka muna masyadong magalaw. Amber tumawag ka muna ng doctor at nurse." Dadsy, nag hair flip muna si ate Amber bago lumabas at tumawag ng doctor.

"Dadsy, I'm fine. Wag ka na mag-alala, malakas ata tong baby Emerald mo." Namamaos pa ang boses ko kaya medyo nanginginig ang pagkakasalita ko pero nakangiti ako habang sinasabi yun. Sinubukan kong umupo pero bigla akong napadaing sa sakit

"Ugh!" Biglang kumirot ang likod ko, sa lakas siguro to ng impact. Tinulak ako ni dadsy ng mahina pabalik ng higa at inayos ang ulonan ko.

"Wag mo muna pwersahin ang sarili mo anak. Magpahinga ka muna. Antagal naman ng mga doctor" Nabuburaot na sambit niya sa huli.

May pumasok na isang doctor at isang nurse. Ang isang nurse ay may hawak na metallic board kung saan niya pinatong ang mga papel na susulatan niya.

"How are you feeling?" Ngiting tanong ng doctor.

"I am fine doc. Ano po ang nangyari? Bakit ako hinimatay?" Tanong ko din.

"You were over fatigue. Masyadong maraming dugo ang nawala sayo dulot ng hiwa sa balikat mo. And you have minor injuries in your knuckles and your back kaya you will have to stay here for a few more days for us to be able to monitor you" Mahabang sagot ng doctor.

Tango lang ang taning sagot ko dito. Nagsusulat naman yung katabi niyang nurse doon sa hawak niya at iniabot sa doctor ang isang papel.

"Doc? Kailan po pwede makauwi ang baby Emerald ko?" Tanong ni dadsy sa doctor.

"As soon as the treatment finished, sir." Sagot nito kay dadsy saka bumaling sakin. "As of now, kailangan mo munang inumin ang mga gamot na ito para maka-fully recover ka na sa energy mo since you've been asleep for 3 days and a half. And also, apply treatments para sa scar ng shoulder at para sa likod mo.You need to eat fruits and vegetables too and less junk and processed foods for the meanwhile. That's all for now" Huling sabi nito at iniabot kay dadsy ang papel na may naka-resetang gamot. Tumayo naman si dadsy sa kanyang kinauupuan at nakipag-kamay sa doctor.

"Stay here. Bibili lang ako ng makakain mo. What do you want to eat?" tanong ni dadsy habang hinahalukay ang kanyang bag.

"Anything. Kung ano na lang sayo dadsy" Ngiting tugon ko

"Amber? Do you want something to eat? Bibili ako sa baba" Dadsy to ate Amber.

"Kahit ano na lang tito Ken basta masarap na babagay sa mala-dyosa kong mukha na hindi gaya ni paasang Boulstridge na hindi bagay sakin" Sagot ni ate Amber pero sa kanyang cellphone parin nakatuon ang atensiyon. Inis na inis ito sa pagta-type sa kanyang cellphone na halos sa isang pindot eh matupok niya na ang screen ng kanyang phone.

"Pfft. Ok, dito ka lang din. Bantayan mo ang baby Emerald ko. Ok?" Sagot ni dadsy na natatawa pa.

"Ano ako tito? Bantay Bata? Haaayyss masyado akong maganda para jan pero sige na nga" Napipilitang pagpayag ni Ate Amber. Lumabas naman agad ng pinto si dadsy pagkarinig niya nun.

Torn Between Two Roses [MHIAMB FAN-FIC]Where stories live. Discover now