Ni: Maurelio C. Cabo Jr.
Circa, 1960
(Sa isang lumang-lumang kubo sa gitna ng liblib na gubat. Madilim ang paligid. Tanging ang gaserang nagmumula sa kubo ang makikitang tanglaw. Maya-maya pa’y papailanlang ang mga ungol. Mga hingal. Mahihinuhang nagtatalik ang dalawang karakter na nasa kubo. Mula sa bintana na natatakpan ng puting tela at nasisinagan ng gasera’y pupuno ang dalawang aninong nasa punto na nang kasukdulan ng pagtatalik. Malakas na maglalabas ng hininga ang dalawang nilalang. Humalo sa himig ng kuliglig at ingay ng palaka ang kanilang ingay ng paniniig. Hanggang sa humapa ang lahat.
Noon lalabas mula sa kubo ang lalaki, si Ponce. Wala siyang suot na pang-itaas. Matikas ang pangangatawan. At balot ng mumunting balahibo sa ilang bahagi ng katawan. Lalaking-lalaki ang hitsura, nasa edad 26. Magsisindi ito ng sigarilyo at mauupo sa isang malaking bato sa hindi kalayuan ng kubo. Sisinag ang mumunting liwanag ng tanghalan sa dako ni Ponce at noon lalabas naman mula sa kubo si Bernadeth. Bente anyos. Konting nagusot ang kaswal na damit na suot. Kakikitaan ng karangyaan si Bernadeth. Lalapit siya kay Ponce, yayakapin ito sa likuran. Saglit na maghihinang ang kanilang mga labi. Saka dadako sa kabilang bahagi ng tanghalan si Ponce. Malakas na bubuntong-hininga.)
PONCEUmuwi ka na…malamang---
BERNADETH---sasama ako sa’yo. Kahit saan.
PONCEHindi mo alam ang sinasabi mo. (sabay tapon sa upos ng sigarilyo.)
BERNADETHIto ba ang igaganti mo sa akin matapos kitang itakas. I don’t deserve this Ponce!
PONCE(kalahating ngingiti) Isa yan sa kinaaliwan ko sa’yo kapag nagagalit ka. Iniingles mo ako…kahit hindi ko naiintindihan.
BERNADETH(sisingasing) Wala akong pakialam kay Papa. He may rot to hell for all I care.
PONCEAma mo siya.
BERNADETHMahal kita!
(mahabang katahimikan)
PONCEAlam mo ang totoo…wala akong inilihim sa’yo…kaya hindi tayo nararapat sa isa’t isa…
BERNADETHSa’yo ko lang naramdaman ‘to. Ang kakaibang kabog ng dibdib. Ang kaba. Ang tuwa sa tuwing kausap kita. Ang pagkalungkot kapag nalalayo ka sa kin. Ang takot na baka…na baka….tuluyang mawala ka na sa akin…
PONCEMuntik na…kung nahuli ka ng dating…
BERNADETHKung tumatakas na tayo, mas mapapanatag na ako…alam mong susuyurin ni Papa ang buong bayan ng San Mateo, mapatay ka lang!
PONCE(lilingunin si Bernadeth. Makikipagtitigan.) Hindi ka ba natatakot sa akin. Kahit nakita ng dalawang mata mo kung sino talaga ako?
BERNADETH….Mahal kita. Sapat na bang dahilan iyon para maniwala kang hindi ako natatakot sa’yo?
PONCE(pagak na tatawa) Hindi kaya dala lang yan ng mga nababasang nobela at napapanood mong pelikula tungkol sa pag-iibigan ng magkasalungat na dalawang nagmamahalan? Ang mga pantasya ng pag-ibig…
BERNADETHStop this! Ilang beses ko ba sa’yong sasabihin na hindi ako nagsisinungaling. Na iyon talaga ang nararamdaman ko sa’yo. Baka ikaw, niloloko mo lang ako. Pinasasakay. Ginagamit. Para makapaghiganti ang angkan n’yo. Sige nga! Umamin ka!
PONCE(tatahimik)
BERNADETHDamn you, Ponce! I know you love me. Nararamdaman ko ‘un…’wag kang ganito…tumakas na tayo.
PONCEKasama ang buong pamilya ko ng sinunog sila ng taong-bayan sa gitna ng plaza sampu ng ilan pang pinaghinalaan. Kung saang swerte ako kumuha at naitakas ako ni Tatay, hindi ko na idedetalye. O siguro nakatadhanang makilala kita…na maramdaman ko ito…na mahalin kita…
BERNADETHAt alam kong sinadya mong manuluyan sa bahay naming para maghiganti. Para ipaghiganti ang pamilya mo. Para patayin si Papa.
PONCE(Kukuyom ang palad. Biglang babakas ang galit.) Pinatay niya ang pamilya ko! Hayop siya! Hayop ang Papa mo! Hayop siya!
BERNADETH(Babakas ang takot at pag-aalala sa mukha at mabilis na tatakbuhin si Ponce at yayakapin ito mula sa likuran.) Kumalma ka. Hindi makakabuting magalit ka. Matutuntun nila agad tayo kapag…(ipipihit paharap si Ponce) Tara na! Kahit saan…basta huwag lang dito sa San Mateo.
(Akmang hihilahin ni Bernadeth si Ponce ng hilahin siya nito pabalik sa bisig nito. Mabilis na hinanap ang mga labi ng dalaga. At muling nagdikit at nag-init ang kanilang mga katawan. Ang kanilang mga labi. Naging malikot din ang kanilang mga kamay. Dahilan upang hindi nila marinig ang paparating na mga yabag. Mapuputol ang kanilang halikan sa tunog ng kasa ng baril.)
PONCESino ka!
BINABASA MO ANG
A TALE OF A WEREWOLF
WerewolfUmibig si Bernadeth kay Ponce. Si Ponce na ang lihim ng pagkatao ay hindi siya pangkaraniwang nilalang. He is a werewolf. Paano kung maling pag-ibig ang ibinigay ni Bernadeth kay Ponce? At paano kung ang lahat ay isang palabas lamang? Paano mo tatak...