Part 3

75 1 2
                                        

(Lalong humigpit ang pagkakayakap si Bernadeth kay Ponce. Saka pumutok ang baril. Bumulagta ang duguang katawan ni Bernadeth sa malamig na lupa. Inihipan ni Don Alfredo ang dulo ng baril. Saka dahan-dahang lumapit sa katawan. SInipa ito. Bago matamang tiningnan si Ponce.) 

PONCEAng nagagawa nga naman ng wagas na pag-ibig...(lilitaw ang ngiti.) Napakahusay Alfredo. Ngayon ay ganap na akong isang tao. Epektibo nga ang ganung pamamaraan. Gagamit ng katas ng saging sa kabilugan ng buwan para mag-anyong tao. Hahanap ng babaeng iibig sa'yo ng totoo at sa gitna ng pakikipagtalik ay maipapasa sa kanya ng permanente ang sumpa ng pagiging isang lamang-lupa. Saka siya papatayin. Presto! Tao na tayo, immortal pa! 

DON ALFREDOHuwag mong kakalimutan ang mga kwentong dapat ay dramatiko at makatotohanan. Kaawa-awang Eliza at Raul. Sila na normal na nilalang, sila ang lumabas na mga halimaw. At mas kaawa-awang anak nila...(titingin sa malamig na bangkay ni Bernadeth saka malakas na tatawa.)

(Lilingon si Alfredo at Ponce sa isang gawi ng gubat. Niluwa niyon si Yaya Feliza. Malapad ang ngiti ng matanda. May dinukot na isang bungkos ng salapi si Alfredo. Itinapon iyon sa matanda.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A TALE OF A WEREWOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon