DON ALFREDOPutang-ina mo! Idadamay mo pa ang anak ko sa kademonyohan mo!
BERNADETHPapa! Huwag! Ako ang nagtakas sa kanya. Hindi niya ako pinilit! (Yayakap kay Ponce. Ihaharang ang katawan dito.)
DON ALFREDOBernadeth, umalis ka dyan! Halimaw yang lalaki na ‘yan! Demonyo! Nakakalimutan mo na ba ang ginawa ng angkan nyan sa Mama mo? Pinatay nila ang Mama mo! Kaya kahit kailan, hinding hindi ko sila mapapatawad!
BERNADETHSinungaling! (Manlalaki ang mga mata ni Don Alfredo.) Tama na ang kasinungalingan Papa. Alam ko na ang totoo. Alam ko na ang buong katotohanan ng binuo mong kasinungalingan. Yaya Feliza told me everything.
(Flashback. Naroon si Yaya Feliza, 60 years old. Bakas ang takot sa mukha at puno ng luha ang mga mata.)
YAYA FELIZATumakas ka na, Bernadeth. Kayo ni Ponce. At dalhin n’yo na din ang lihim ng pamilya na ito. (Lalakas ang hagulgol) Hindi pinatay ng mga demonyo o ng kung sinung lamang-lupa ang Mama mo. Ang Papa mo…siya ang pumatay sa Mama mo. Bunga ka ng panggagahasa ni Don Alfredo kay Eliza, ang Mama mo. Nakatakda na noong sumama si Eliza sa kasintahan nitong si Raul. Subalit dala ng impluwensiya ng pamilya ni Alfredo. Dinukot nito si Eliza at dinala sa isang liblib na lugar saka doon ginahasa. Sa buong panahon dinadala ka sa sinapupunan ni Eliza, ay wala ito sa sarili. Nakatulala. At ako lamang ang nag-aasikaso. At noong ipinanganak ka, saka lang nagkaulirat si Eliza at madaling tumakas at hinanap si Raul. Inabutan ni Alfredo sa isang burol si Eliza at Raul at doon binaril. Alam ko ang lahat dahil ako ang tumulong kay Eliza na tumakas at makipagkita kay Raul. At ilang dipa lamang ang layo ko ng patayin ni Alfredo ang dalawa. Nakapagtago lamang ako noon. At si Alfredo, pinalabas niya ang isang kwentong tumakot sa buong bayan. Dahilan upang iabswelto siya sa kaso ni Eliza. Walang demonyo, Bernadeth! Walang halimaw! Lahat ay haka-haka. Kung may halimaw man dito, si Alfredo ‘un!
(Balik sa kasalukuyan. Matitigil ang pagmumuni muni ni Bernadeth.)
BERNADETHHow dare you! You and your family used an urban legend para lamang manalo sa pulitika!And to top it all, para mapagtakpan ang katotohanang mamamatay tao ka! PInatay mo si Mama! Ikaw ang demonyo!
DON ALFREDO(magbabago ang ekspresyon sa mukha, titigas, babakas ang galit sa mata, bago ngingisi saka tatawa ng ubod ng lakas.) Boba ang Mama mo! Akalain mo bang ipagpalit ako sa isang tagatabas lamang ng damo sa hacienda? Ako na tagapagmana ng ekta-ektaryang lupain at malinaw na posisyon sa gobyerno’y ipinagpalit lamang sa isang maglulupa? Kung saang kokote mayroon ang Mama mo ay siguradong sa buko niya kinuha. (muling tatawa ng malakas. Muling seseryoso. Kikibit balikat) Siguro pride na din. O mas tamang obsess ako kay Eliza. Kaya matapos ko siyang gahasahin at patayin, sila ni Raul…pinalabas ko ang kwentong si Raul ay isang lamang-lupa….(maduming ngingiti.) Madaling napaniwala ang taong-bayan dahilan sa taggutom at hindi pagdating ng ulan noon sa bayan ng San Mateo. Ang mga mangmang ay naniniwalang may salot sa bayang ito. At si Raul, sampu ng pamilya niya ay isinuplong ko sa aking gobernador noong ama na nanganganib ng mawala sa posisyon dahil nabuko ang pangungurakot nito sa kaban ng bayan. Pero kung sweswertehin ka nga naman, sa araw na sinunog ang pamilya ni Raul sa plaza…matapos masaksihan ng lahat, ay biglang umulan…(mataginting na hahalakhak.) Kaya sa araw ng eleksyon, muling nanalo ang aking ama pagka-gobernador.
(Kukuyom ang palad ni Ponce sa galit, mapapansin ito ni Alfredo.)
DON ALFREDOAt isa pang swerte, nagkataong si Raul ay ang ama ng lalaking kinababaliwan mo ngayon, mahal kong anak….(ikakasa ang baril saka itututok kay Ponce.)
PONCEHayop ka! Putang-ina mo, Alfredo! (akmang susugod, ihaharang ni Bernadeth ang sarili dito.)
BERNADETHHuwag! Parang awa mo na Papa, hayaan mo na lang kami. Kung gusto mo, kapalit ng pagtakas namin, hindi ka namin isusuplong sa pulis. Kalilimutan namin ang lahat. Hayaan mo na lang kaming magsimula.
DON ALFREDO (sarkastiko) ‘Un lang hindi pa ako tanga. Mamili ka Bernadeth, sasama ka sa akin pauwi, o pasasabugin ko ang ulo ng maglulupa na ‘yan? Bibilang ako ng lima….Isa…dalawa…tatlo…apat…
BINABASA MO ANG
A TALE OF A WEREWOLF
WerewolfUmibig si Bernadeth kay Ponce. Si Ponce na ang lihim ng pagkatao ay hindi siya pangkaraniwang nilalang. He is a werewolf. Paano kung maling pag-ibig ang ibinigay ni Bernadeth kay Ponce? At paano kung ang lahat ay isang palabas lamang? Paano mo tatak...