Chapter 32: Cure

2K 52 5
                                    

Gusto kong tulungan si Sage pero para akong tuod na hindi makagalaw sa pwesto ko. Nahihirapan na ako sa itsura ni Sage pero wala akong magawa.

Tumayo si Sage at dumura ulit. Hirap na hirap siyang balansihin ang sarili niya sa pagtayo. Hindi na siya lumingon sa akin at tuluyan ng sumakay sa sasakyan niyang si Little Bastard.

"Umuwi na tayo tapos na ang palabas" buong buo sabi ni Clyde.

Lumingon ako kay Clyde "Hindi ba natin susundan si Sage?"

"Susundan? Bakit natin siya susundan?"

"Tulungan natin siya Clyde. Nabugbog siya"

"Ano bang pinagsasabi mo? Malaki na yung gagong yun. Tyaka hinanap niya ang away, tanga niya lang nagpabugbog siya ng todo"

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Clyde. Walang bahid na may pakialam siya para kay Sage. Iniisip ko kung bakit ako nagkagusto sa lalaking ganito ang asal.

Huminga ako ng malalim. "Kung ayaw mo, edi ako na lang"

Papaalis pa lang ako nung hinablot ni Clyde yung siko ko.

"What the fuck Hannah? Sa tingin mo papayagan kita na sundan siya? I must be crazy about you pero hindi ko gagawin yun. Kings dont just hand over their kingdom."

"Edi sumama ka. Tulungan natin si Sage"

"Hindi mo talaga maintindihan no? Hindi ko gusto na pakialaman pa si sage. That goes to you also. Hindi mo ba nahahalata na gusto ka niya? He looks at you the way I look at you. Umiinit ang ulo ko pag nakikita ko yun"

Naiinis ako sa pagkaisip bata ni Clyde. Walang wala sa lugar. Hindi ko tuloy mapigilan sabihin sa kanya ang di dapat.

"Oo. Alam ko na may gusto sa akin si Sage pero-"

"Tama ba ang narinig ko?!!" Galit na ang boses ni Clyde nun. Halos mamula na siya sa galit at bumibigat na ng paghinga niya.

"Alam mo pero hindi mo sinabi sa akin? Sa tingin mo I will give you a chance to be near him again?"

"Hindi na tama ang iniisip mo Clyde. Kaibigan mo si sage at kaibigan ko din siya. Kailangan niya tayo ngayon."

"Kelan pa kayo naging magkaibigan? Kailangan? kahit nung wala ka ganyan na si Sage. Hindi na siya magbabago kahit andito ka pa"

Napailing ako sa mga sinabi ni Clyde. "Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naapektuhan mo ako ng ganito pero parang mali ata na -"

"Wag na wag mong sasabihin na maling nagustuhan mo ako. Ikaw ang may kasalanan niyan Hannah. I am either good or bad. I am nothing in between. Actually, I prefer to be bad. Kung nagustuhan mo ako kasi you think theres a reason sa pagiging masama ko, mali ka. You cant just give me orders because I am the bad guy who is trying to be good for you"

Umalis sa harap ko si clyde at dumeretso sa Jolly Roger niya. Maya maya lang ay umalis na yung sasakayan ni Clyde. Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang pagitan kay Clyde at kay Sage. Ang alam ko lang kahit na gaano kalaki yung pagitan na yun eh naiipit pa din ako sa kanilang dalawa.

Gusto kong intindihin si Clyde pero hindi tama ang rason niya. Kung iisipin din madaming beses ko na tinalikuran si Sage para kay Clyde. Kung ito lang ang oras na magiging kaibigan ako sa kanya eh bakit hindi?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Sage. Makailang tawag ako pero walang nasagot. Nagpakadesperada na ako nung tinawagan ko si Emily para tanungin kung alam niya ba kung saan nakatira si Sage. Nagaalangan pa si Emily nung una pero binigay niya din sa akin ang address ni Sage. Tamang tama na siya ang tinanong ko kasi fan nga pala siya ng Jedi Conspiracy.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon