Chapter 48: MVP

956 58 21
                                    

Hindi ko napansin sa mga kilos ni Clyde na nagaalangan siya sa akin. Na iniisip niya pala na hindi ko siya gusto katulad ng pagkagusto niya sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya pero naka-off parin ang cellphone niya. Nung nakita ko si Emily ay nakiusap ako kung pwede kong mahiram ang facebook niya. Halatang halata sa mukha niya na naaawa siya sa akin at sinasabihan niya ako na itigil ko na ang pagtotorture sa sarili ko. Pero sa tingin ko hindi pagtotorture ang ginagawa ko kundi paghahanap ng katotohanan.

Gusto ko malaman ang totoong nararamdaman ni Clyde. Gusto kong maunawaan kung bakit niya sinabi ang mga salitang yon kay Jasmine. Bakit nararamdaman niyang walang kasiguraduhan sa akin?

Hinayaan ako ni Emily dun sa laptop niya. Unang bumungad sa akin yung page ng JC. Andun parin yung litrato ni Clyde at Clare. Yun ang una sa newsfeed. May 929 na likes na yun. Madami na pero mas marami parin ang comments na umabot na sa 1203. Lahat tinatanong sino yung babae, taga saan siya at kung siya na ba ang bagong girlfriend ni Clyde. Nung nakita ko yung pangalan ko tinigil ko na ang pagbasa ng comments.

Karamihan nung comments mas boto kay Clare kesa sa akin.

Torture nga ata tong pinasok ko.

Sinearch ko ang pangalan ni Clyde. Lumabas ang profile niya. "Clyde Montero".

Napangiti ako sa profile picture niya. Solo yun. Naka tshirt siya at may suot suot na king's crown. Ang suplado suplado ng itsura niya dun. Baka tinotopak lang siya. Tinignan ko kung gaano na katagal yung profile picture niya. 3 months. Hindi pa kami magkakilala nito.

Sunod kong tinigan yung profile niya. Ang huli niyang post ay 1 week bago siya umalis papuntang CDO. Puro pagshashare lang ng dance demo videos ang ginagawa niya at minsan yung mga ibat ibang tatak ng rubber shoes at caps. Iniscroll down ko pa yung sa profile niya nung may nakita akong status niya.

'Love me hard'

May kung anong dumabog sa puso ko at ang bilis bilis nun ngayon. Yung status na yun may 1324 na likes at may 1022 na comments. Iniisip ko tuloy kung lahat ba ng kaibigan niya sa facebook ay kaibigan niya o kahit kilala lang. Tinignan ko yung huling comments dun sa status na yun. Puro nagtatanong lang kung sino yung babaeng yun. Andami pang nakatag na pangalan ng babae. Hindi ko na sana titignan pa nung nakita ko yung comment ni Clyde sa sarili niyang status.

'She is easy to like but hard to love. I think I should just quit'

Maraming nagreply. 'Yeah just quit liking her' 'Choosy pa yung gurl. Tama na Clyde' 'Ako na lang. I will love you hard'

Parang kinukurot ang puso ko sa nababasa ko. Wala naman talagang naging boto sa akin para kay Clyde. Napangiti lang ako nung nakita ko na nagcomment pa ulit si Clyde para sumagot.

'Nah. It will be 100x hard to quit on her'

Hindi ko maiwasang hindi sumaya. Pumapasok sa isipan ko kung paano niya sinasabi yung mga katagang yun. Napakaarrogante pero masasabi mong totoo.

Nagrandom akong pindot sa fb niya nung year 2012. Napindot ko na bago ko naisip na nung taon na ito ay 15 years old si Clyde.

Puro NBA videos ang nasa profile niya nung biglang napahinto ako ng pagiiscroll.

May picture na pinost sa fb niya na alam kong nakita ko na.

Yung painting ng beach kung saan may lalaki at babaeng nakasandal sa balikat nung lalaki. May caption yun na 'What perfect means for us'

Bumalik ang kaba ko nung nakita ko yung pangalan nung nagpost 'C. Ronquillo' yung name. Nung tinignan ko yung profile ay nakaprivate ito. Yung profile picture niya ay sunrise.  Bumalik ako dun sa litrato na nakapost sa wall ni Clyde. Unti lang ang likes at si Clyde lang ang nandun sa comment box.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon