Chapter 29: Proving his point

2.5K 69 18
                                    

Lagi akong natatalo sa pakikipagsagutan kay Clyde. He always say what is in his mind. Tactless siya pero it is always the truth. Pinapaniwalaan ko na totoo ang mga sinasabi niya. Kaya siguro ganito na lang din ang pagsunod ko sa kanya kahit na pangit ang mga paraan niya para makumbinsi ako.

Naka-skater skirt ako na pink at puting tshirt. Nung nakita ko si Clyde eh napalit siya ng pedal shorts na pula at suot suot niya na yung kwintas niya na suot niya kaninang umaga.

Napangiti siya nung nakita ako at nauna na siyang lumabas ng kwarto.

Malayo palang kami sa Coco club eh tanaw na tanaw ko na ang mga kakaibang ilaw at rinig na rinig ko na din ang malalakas na tugtugan na parang nasa isang party.

Tumalikod si Clyde para tignan ako.

"You should have fun while I am doing what I can to answer those questions that have been bothering me"

Mabilis na lumakad palayo si Clyde papunta dun sa mga nagpaparty. Hindi ko akalain na marunong na pala siyang pumarty ng ganito. Ano to perks of being rich? 

Nagkalat yung mga tao. Merong nasa tapat ng stage kung nasan yung dj. Sa gilid ng pool ay may mga crew na nagsasayaw na may hawak ng lalagyan ng apoy. May mga torch din sa palibot nung club. Open club naman siya kaya hindi ganun kadelikado. Kaya pala sabi ni Clyde fire dance to. At feeling ko dahil fire dance siya eh yung mga suot ng kababaihan dito eh ang iikli. Nakatube, hanging na tshirts at nakasando. Para tuloy akong magmamall kung ikukumpara sa kanila.

Nakita ko si Clyde na nasa gitna nung mga taong nagsasayaw. Nagsasayaw din siya at may tatlong babae na nakapalibot sa kanya. Kaedad namin yung mga babae na yun pero bakit ganun sila magsayaw? Ang suot pa nila sobrang ang iikli. Halos lumuwa na yung legs nila sa kagustuhan nilang ipakita yun. Kinokonsente naman sila nitong si Clyde.

Napatingin sa akin si Clyde habang nagsasayaw siya kasama yung mga babaeng sa tingin ko ay napaka-liberated. Mukhang nagugustuhan niya na nakikita ko sila kasi kinindatan niya pa ako at nagpatuloy sa pagsasayaw.

Inirapan ko siya at natawa siya sa ginawa ko. Dapat ay iaalis ko na yung mata ko sa kanila dahil naiinis na ako kaso may dumating na babae na nakabackless na dress. Mukhang matanda siya ng limang taon sa amin. Dumeretso siya kay Clyde kaya nagbigay naman ng space yung tatlong babae niyang kasayaw kanina. Nakita ko na pinulupot nung babaeng yun ang kamay niya sa leeg ni Clyde. Bumulong yung babae kay Clyde at parehas silang napangiti. 

Mukhang pinaalis nung babae yung mga kasayaw ni Clyde kasi lumayo na ang mga ito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayoko na ganun sila kadikit na parang magkakapalitan na sila ng mukha. 

Umiwas ka na lang Hannah. Yan ang sinasabi ko sa sarili ko pero hindi ko magawang ialis sa kanila ang titig ko. Ang pagtitig ko sa kanila ang pinakamali kong ginawa nung araw na yun lalo na nung biglang tumalikod yung babae kay Clyde at kinuha nito ang dalawang kamay ni Clyde at pinatong ito sa dibdib niya habang nagsasayaw sila. 

Palaswa ng palaswa ang sayaw nila at ganun na lang din na sumakit ang puso ko sa nakikita ko. Highschool palang siya pero nagagawa na niya tong sayaw na to? Hindi ko na talaga masukat kung gaano ang kayang gawin ni Clyde. 

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon