I'm one of those girls who are obssesed with love, pero di ko alam kung kinulam ako o sinumpa.
Di naman ako masamang tao, at higit sa lahat, mapagbigay ako. Mapag bigay ng "Love"
Marami na akong naging Boyfriends, mga 12 na siguro? At lahat sila hindi nag tagal! Literal na ISANG MINUTO lang ang buhay ng mga relasyon namim.
Yung 1st kong boyfriend, bago man maging kami, niligawan niya ako sa gitna ng lansangan, pa sweet effect kunyari, at nung sinagot ko siya....
"BOOM" na hit and run siya ng isang 10-wheeler truck! at na coma for 3 weeks at hindi na nagising.
Yung 2nd boyfriend ko naman, bago pa naging kami, niligawan niya ako sa rooftop ng school namin, at nung sinagot ko siya....
"BOOM" tinamaan siya ng ligaw na bala, at namatay sa harapan ko.
Yung 3rd ko namang boyfriend bago pa siya man ligaw saamin, pumunta muna kami sa isang safe na lugar, kung saan walang ligaw na bala o 10-wheeler truck na makikita. At nung sinagot ko siya....
"BOOM" ( OA na kung may salitang BOOM ay laging may namamatay) kinaladkad siya ng isang babae, girlfriend niya yata, palabas sa room at sinampal ako.
Yung 4th ko naman, bago pa siya man ligaw saakin, tinanong ko muna siya kung may girlfriend siya ngayon, at ang sabi niya hindi pa daw siya nag kaka girlfriend, so pinayagan ko na siyang ligawan ako. At nung sinagot ko siya.....
"BOOM" That's my tomboy pala!
At yung iba, hindi ko na sasabihin, baka isipin niyo na malas ako at walang nag tatagal na boyfriend saakin. After every heartbreak, hindi ako makatulog, makakain, maka-alis sa bahay, malaki eyebags ko, marami na ang pimples ko, at higit sa lahat "SINUMPA NA YATA AKO!"
Kinulam ba AKO?
Sinumpa ba AKO?
Masama ba AKO?
Maganda ba AKO?
syempre naman, ako pa.
Hindi naman eh, tadhana lang ata talaga. Baka may plinanong mas deserving sa love ko ni Lord, baka I'm rushing things out, baka hindi pa ako handa, at bakit marami munang buhay ang kukunin ni Lord para ma-realize ko ang katangahan ko?
BINABASA MO ANG
My 1Minute Boyfriends
HumorWalang tumatagal saaking relasyon, as in, lahat sila 1 minute lang. Sinumpa ba ako? Hindi naman ah! T A D H A N A L A N G Y A T A I T O May tumagal na kaya? Read it!