*****Diana's POV:
Its 7:30 and late nanaman ako, pano kasi nag Sundate kami ng sister ko.
"Ms. Ricks" tawag sakin nung butler ko sa labas ng kwarto ko, at oo may butler ako.
"Oo na! nagbibihis na!" kakainis naman eh, di pa kumpleto ang beauty rest ko at ginigising na ako.
Lumabas na ako sa room ko at linakad ang mahabang hallway papunta sa elevator namin.
"Good Morning Ma'am" sabi nung hampaslupa #1
Inarapan ko lang siya at nagpatuloy siya sa pag lalakad. Nandito na ako sa tapat ng elevator at inis na inis na naghihintay, pano naman kasi ang tagal, late panaman ako!
The elevator buzzed and nakita ko na ang raming hampaslupa ang nandoon, siguro mga 10. Inirapan ko silang lahat, at lahat sila nagsilabasan, except syempre yung P.A ko, Butler ko, Stylist ko, Mentor ko, at yung Pet ko.
Dumiretso ako sa dining table at at umupo sa dulo ng napakahabang mesa, pambihira naman, kami lang ni ate at ang haba ng mesa, di tuloy kami mag karinigan kapag nag uusap kami. Di naman dito kumakain yung mga hampaslupa eh, may sariling kusina sila.
"Ma'am, what do you like for breakfast?" tanong ni hampaslupa #2
"Bakit? ako ba yung ref?" tinarayan ko siya.
"Eh k-kasi M-ma'am na-man eh" utal niyang sabi.
"Ba't ang init ng ulo mo?" tanong ni ate, kararating lang sa dining table.
"Ulo lang ba ate? katawan ko rin naman, hot hot hot" at binatukan niya ako.
"Wag ka ngang mag maldita diyan!, yan tuloy minamalas ka at walang tumatagal na boyfie mo, sige ka at kakarmahin ka niyan" at yun naman ang ikinatahimik ko, hindi naman yan totoo eh, sadyang 1minute lang talaga ang mga naging relasyon naming lahat. Hindi naman ako malas, sadyang tadhana lang ata ito.
*****
Nasa school na ako ngayon, 8 kasi classes namin at 8:01 na, huhuhuhu, late ng 1 minute. Buti nalang hindi yung limo ang ginamit, yung ferrari, wala kasi parents ko, nasa business trip sa France, kaya PARTY PARTY!
Pumasok na ako sa room, naka chin-up, breast-out at naka butt-out pa. Lahat sila nakatingin sakin, buti nalang wala pa si prof.
"Anong tini-tingin tingin niyo diyan?!" nakaka irita ehh, para lang sila nakakita ng artista. Well, ang ganda ganda ko naman kasi eh.
walang balak sumagot, kaya nag evil smile ako saka nila. Tingin tingin sila saakin, wala naman palang masasabi. Maybe na stun sila sa beauty ko.
"Malas!" bago pa ako maka upo, may sumigaw, kaklase kong jejemon. I-describe ko siya, Babae siya, pink ang hair, pink na pink rin ang lipstick, naka headband, 4 na clip sa buhok, naka pigtails, may headphones sa gilid ng leeg niya, at ngumunguya pa siya ng bubblegum.
"Malas?, tingnan mo nga ang mukha mo, ke-pangit pangit na hindi kana ma describe kung tao ka o di kaya hayop" ito nanaman ang sakit ko, lumalabas ang pagka maldita.
"I'm sorry?" mataray niyang sinabi, with matching high-pitch. Choir ang peg?
"Apology Accepted" umupo ako at nag smirk sa kanya. At lahat ng classmates namin nagtinginan sakin. Ganda ko talaga.
"Oh ano?" tinarayan ko silang lahat, at nagsibalikan naman sila sa kanilang ginagawa.
Natapos na rin ang Chemistry, grabe super boring, buti nalang at nakatulog ako, kung hindi, mamatay ako sa kaiisip.
Lumabas na ako at lahat ng mga studyante sa paligid nag bubulungan.
"Siya ba yung babaeng pinapatay ang boyfriends niya?"
"Wag kang kumibo, baka tayo patayin niyan"
"Ang malas naman niya, lahat ng boyfriends niya hindi tumatagal sa kanya"
"Kaya ata siya walang kaibigan kasi malas siya"
"Kelan yata siya kakarmahin? kinarma na ata wala kasing kaibigan"
Lahat ng yan ay ang mga pinagsasabi ng mga chismosang pangit! Lahat sila mali eh! They judge people nang hindi naman nila alam kung ano ang istorya ko. Lahat kasi ng tao ma tahimik, madaldal, pangit, maganda, bobo, matalino, basta lahat sila may sariling kwento kaya sila ganyan.
Inarapan ko silang lahat at lahat sila natakot.
"Anong pinag uusapan niyo diyan?, pwede maki join?" mataray kong sinabi.
Ni isa sakanila ay walang nag salita, sus! kung alam ko lang mga takot sila, walang magawa at mga chismositos!
Winalk-outan ko nalang sila, baka mapatay ko nga sila ng tuluyan. Punta nalang ako sa mall, para ma debrief naman yung stress ko sa mga chismositos na iyon.
*****
Nandito kami ngayon sa mall, since free time naman namin, kasama ko ang bff/sisterette ko na si Gem Stewart. O diba, pang Amerikana ang apelyido, pero Negra yan, siya yung tipong "Black Beauty"
"Oy, Diana mag shopping tayo sa C's clothing (isang fictional na clothing shop) bibili lang ako ng Neon yellow tees" yaya sakin ni negra, I mean ni Gem.
"Neon yellow?, sure ka?, baka mag mukha kang disco bar na glow in the dark sa gabi"
"Grabe ka naman, hindi naman para sakin, para sa boyfie ko, 2nd anniversary namin bukas eh"
"Cge na nga, palusot kapa eh, at 2nd anniversary, tees ang ibibigay?" akalain mo mag two-two years na pala si Negra sa kanyang boyfriend, grabe lungs ha, inggit me!
"Eh hindi naman sa bagay sinusukat ang pagmamahal, kungdi sa puso" O ayan mga bata ha? words of wisdom ni Gem Stewart.
Pumasok na kami sa C's clothing, ang raming tao, sale ata.
As I'm scanning through the store, may nakakuha sa aking atensyon, nakita ko si James! what the! kala ko patay na siya! Minulat mulat ko ang mata ko, di ako makapaniwala, nakaupo siya sa isang table at pinagpipilahan ng mga tao, nag bibigay abuloy? pero hindi eh, mukhang nag papa autograph ata sila sa kanya.
"Oy best, anong nginanganga mo diyan? ba't ang lalim ng ini-isip mo?" tanong sakin ni Gem, at natauhan naman ako.
"Ay beast, este best, parang si James yung lalaking iyon oh" sabay turo ko sakanya.
"Ha? anong ginagawa niya diyan? kala ko patay na siya" pareho kami ng reaksyon ni Gem.
"Di ko alam eh, pero aalamin natin" sabi ko sabay hila sakanya.
"Ako?, kasama ako?"
"Oo naman! Beauty and the Beast nga eh, este Beauty and the Best!" at dumirecho na kami kay James.
Ang raming nakapila, ba't ba ang raming nag papa autograph kay James? sumingit kami ng sumingit. Malapit na, almost there!
"Hey bitch! Don't cut in the Line" sinuway kami, leche flan naman! malapit na eh!
"Kami ba? ay sorry naman po, kala ko kasi hayop ka kaya nilampasan kanalang namin" inarapan ko siya tinarayan naman niya ako.
"Aba! bastos to ahh! palibhasa ang mga pulubi walang Good Manners and Right Conduct!"
"Mas bastos ka! tingnan mo mukha mo! Dapat may katarungan para saming mga magagandang tao, at ipapatay lahat ng panget!"
"Uhm excuse me ladies" may sumuway samin, at isa pa ata to, sisingit pa ata!
"Anong excuse me diyan? kung dadaan ka, dumaan kanalang sa ibang daan!, at da-" naputol yung sasabihin ko nung nakita ko si James.
"Ja-james?"
[AN again : Oh ayan guys, sorry for such a boring beginning pero wag kayong mag alala, nasa gitna ang exciting o di kaya ang climax part, medyo comedy pa sa first pero try ko maging seryoso pag may time! please vote and comment guys, para malaman ko kung ano ang mga dapat kong i-improve!]
Please show your support!
Advance Thanks sa mga readers :)
BINABASA MO ANG
My 1Minute Boyfriends
HumorWalang tumatagal saaking relasyon, as in, lahat sila 1 minute lang. Sinumpa ba ako? Hindi naman ah! T A D H A N A L A N G Y A T A I T O May tumagal na kaya? Read it!