[AN: Sorry for a very late update! Busy kasi ako eh, pero babawi ako guys :) Salamat nga pala sa mga readers ko!, Vote naman kayo diyan!]
Diana's POV:
I thought I couldn't survive last night!, it was a nightmare!, A beautiful nightmare!
Nandito ako ngayon sa kama ko, ini-isip ko kasi yung nangyari kagabi eh. Sa tuwing naiisip ko yun, parang namumula ang mga pisngi ko. Naiinis nga ako sa sarili ko, kasi hindi ko alam kung kikiligin ba ako o magagalit sa ginawa niya? Ang buhay talaga naman!
"Uhm, Ma'am breakfast is ready" sabi nung hampaslupa #4.
"Okay" tipid ko namang tugon. Naligo na ako, nagsipilyo nag ayos ng buhok at nagpabango.
"Ayan blooming ang dating ko ngayon" bulong ko sa sarili.
★★★★★
James' POV:
I thought I'll never see her again, it was love at second sight I guess?
I'm still glued to my bed. Di kasi mawala sa isip ko ang mga pangyayari kagabi eh, nag flaflashback sa isip ko at di ko mapigilang ngumiti.
★★★★★
*FlashBack*
3rd person's POV:
Nakatayo lang sa kani-kanilang pwesto yung parents ni Diana, si Diana at yung mga magulang ni James. Pa suspense effect pa eh bago tuluyang pumasok yung taong hinihintay nila.
"Oh, nandito kana pala ijo. Halika na at maupo na tayo" Utos ng Mama ni Diana sa lalaki.
"Oh sige tita" matipid namang sagot nitong lalaki.
Hinding hindi makapaniwala si Diana. Parang di siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil hindi niya akalain na magkikita pa ulit sila ng lalaking iyon.
"Oh Diana dear, maupo kana. Parang ang lalim ng iniisip mo" sumbat sakanya ng papa niya.
Tumango nalang siya at umupo nalang ng walang imik. Hidi parin siya makapaniwala sa nakita niya. Parang bangungot ang kanyang kinadadatnan ngayon.
"By the way Mr. and Mrs. Ricks, this is James" sabi ni Jane sa mag-asawang Ricks.
"Oo, kilala ko na siya. Siya yung palaging pumupunta dito sa bahay at siya yung dating kalaro ni Diana" bungad ng mama ni Diana.
Ngumiti naman si James at kumindat kay Diana. Agad naman umiwas sa tingin si Diana.
"So Diana, may boyfriend kana ba?" tanong ni Mr.Hwang.
Lahat sila nakatingin ngayon kay Diana at dahil sa hiya ngumiti nalang ito.
The entire time walang imikan sina James at Diana. Yung mga magulang ni Diana ay walang sawang chikahan with the Hwang family. Napag usapan nila about sa bagong buisiness proposal para sa parents ni Diana. Nag kamustahan, nag ganggnam style silang lahat pero syempre joke lang.
Natapos na yung dinner at agad pumunta si Diana sa garden. Malalim ang ini isip nito. Di pa rin siya maka move on kanina.
"Parang ang lalim ang ini-isip mo ah" Bungad ni James, at tumabi siya kay Diana.
"At sinong nagsabi na pwede kang umupo?" pagsusungit naman nito sa binata.
"Aba ang sungit mo na ngayon, anong nangyari sayo?"
"Wala kang pake, so pwede umalis kana!" napa cross arms naman si Diana at tumalikod sa pag kakaupo.
Napansin ni James na mainit yung ulo ni Diana, gustong gusto niyang asarin ito pero baka masampal lang siya. Namiss niya ito at dahil sa sobrang pagkasabik, niyakap niya ito mula sa likod.
Hindi makagalaw si Diana, parang dinadama niya yung yakap ni James. Pero natauhan rin siya at agad naman siya umiwas sa yakap.
"Anong ginawa mo?" iritang sagot ni Diana.
"Ay?, late reaction?" pagbibiro naman ni James.
"Kung mang iinis kalang pwede kanang umalis" sabay turo sa exit ng garden.
"Talaga?" tanong naman ni James at nagpapacute pa ito.
Tumango lang si Diana bilang sagot at muling tumahinik sa kanyang kina-uupuan.
Agad namang umalis si James, at parang ngumi-ngiti pa ito. Alam kasi niyang hindi siya matiis ni Diana.
"5,4,3,2," pagbiilang ni James.
"AND" hindi na natapos sa pag sasalita si James na biglang tawagin siya ni Diana. Ngumiti lang ito at bumalik kay Diana.
"Ano?, miss mo na ako?" pang aasar ni James.
"Kapal ng mukha!, ito panyo mo naiwan!" sabay abot sa panyo.
"Ah, salamat" medyo na disappoint si James, kala na niya kung ano, panyo lang pala.
"Cge punta na ako sa loob, baka hanapin na ak ni Mom" tumayo si Diana at iniwan si James.
Lumakad na si Diana papalayo, at hindi niya napansin na may sinusundan pala siya ni James.
Biglang hinawakan naman ni James yung kamay ni Diana at inilapit ito sakanya.
Nanatili silang ganon ang posisyon for 2 minutes. Ni isa sa kanila walang imikan.
Biglang linapit nalang ni James ang mukha niya kay Diana. Hindi makagalaw si Diana, kinakabahan na kasi siya.
2 Inches, yan ang layo ng mga mukha nila. Hindi padin makagalaw si Diana, kahit anong pilit niya ay parang hindi siya makagalaw.
Mas linapit na si James ang mukha niya at agad namang pumikit si Diana sabay nguso pa.
Nag smirk naman si James ng nakakaloka.
"Ang ganda mo naman" bulong niya kay Diana at linayo na niya ang mukha niya.
Nanatiling nakapikit at nakanguso si Diana. Nag aasume siya na hahalikan siya.
"Huy!" suway ni James at bigla namang natauhan si Diana.
"Ba't ngumunguso nguso kapa diyan?" tanong naman ni James at biglang ngumiti ng nakaka asar.
Biglang namula si Diana at nabalot siya sa hiya.
"Wala, cge una na ako" pumasok na siya at agad na tumungo sa kwarto niya.
★To be Continued...★
[AN: Oh guys to be continued, basahin niyo yun next chap. May twist kasi akong ginawa :)]
VOTE AND READ! THANKS
BINABASA MO ANG
My 1Minute Boyfriends
HumorWalang tumatagal saaking relasyon, as in, lahat sila 1 minute lang. Sinumpa ba ako? Hindi naman ah! T A D H A N A L A N G Y A T A I T O May tumagal na kaya? Read it!