Chapter 8
Sharlene's P.O.V.
"Shar, can we talk?" biglang sumingit si Nash. I started walking away. Simula nung hinalikan niya ko kahapon, iniiwasan ko na siya. Papunta na akong gym kasi dun naman yung practice namin para sa Mr. and Ms. Senior contest kaso di ko rin naman maiiwasan si NAsh kasi partner ko rin siya. Bahala na! Basta di ko siya papansinin!
Nash's P.O.V.
"Please, Shar" kanina ko pa siya kinukulit pero ayaw niya talaga akong pansinin.
"Shar naman oh" wala pa rin. Mukha na kong tanga dito na sinusundan niya
"Alam mo namang di mo ko maiiwasan" wala pa rin. Hay. Bahala na nga.
Bigla kaming nakarating sa gym. Ay! Oo nga pala! May practice kami!
"Guys and girls, please all sit down and will be starting in 5 mins" sabi nung nasa stage
"Shar, kausapin mo na kasi ako" wala pa rin talaga.
Makikinig na nga lang ako.
Sharlene's P.O.V.
"Yes, mam" Hay. Anubayan. Ang stressful naman ng contest na to. Bukas meron kaming photoshoot at sila na bahala sa mga damit namin pero sa araw ng Mr. and Ms. Senior contest, kailangan kami na mag-provide ng mga damit namin. Oo "mga damit" kasi kailangan ng white tank top and shorts for the girls while sa mga boys naman black top and pants and then kailangan ng parang prom dress para sa sayaw tapos kailangan rin ng costume yung pang-United Nations at may talent portion pa. Hay! Ang husle!
"Okay. thats it for today. You may go now. And don't forget about the shooting tomorrow" Phew! Buti tapos na. Ayoko na dito, kanina pa ko kinukulit ni nash eh.
"Shar!" sigaw ni Nash. Oh no! Tatakbo na sana ako kaso nahawakan niya agad ang braso ko at hinila niya ko papunta sa kotse niya.
"Ano ba!!! Masakit!!!" sumisigaw na ko dito pero ayaw niya pa rin.
"Hey! BItawan mo siya!" biglang may sumigaw sa likod. Sabay kaming napalingon ni nash at nagulat ako na si Mei nandito.
"Pwede ba mei! Wag ka muna mangialam!" sigaw ni Nash
"Mangingialam ako kasi bestfriend ko yang hinihila mo!" sigaw ni mei sabay hiniwalay ni mei ang kamay ni Nash sa braso ko.
"Best, punta ka muna sa lobby at kakausapin ko lang tong lalaking ito" then pumunta na ko sa lobby pero hindi ko magets kung bakit kailangan niya pang kausapin si Nash
Mei's P.O.V.
"Aish! Bwisit ka!" sigaw sakin ni Nash. Hindi niya lang alam tutulungan ko rin siya.
"Wag ka ngang praning! Tutulungan ka na nga eh!"
"Tutulungan? Tinulungan mo ba ako kanina? Bakit parang hindi naman! Bwisit!"
"Ganto na lang...sasabihin ko sayo yung plano ko at tignan mo na lang kung okay. Okay ba?"
"Oo na. Sige na." at yun sinabi ko na sa kanya ang plano ko at um-okay naman siya sa plano ko at bukas namin gagawin yun. Hmmm...this is going to be good.
Nash's P.O.V.
---The next day---
Lunch time na ngayon at ngayon na namin gagawin ni Mei ang plano niya. Actually ang ganda ng plano niya at feeling ko magiging maganda ang plano namin.
"Ano? Ready ka na ba?" tanong sakin ni Mei
"Oo, ready na ko"
"Sige nakahanda na yung storage room" oo, dun kami ilolock ni Mei para makapag-usap rin kami.
